MGA TUNTUNIN NG SERBISYO

1. Kakayahang Magamit at Pagtanggap sa Mga Tuntunin ng Serbisyo:

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (“Terms of Service, TOS”) na ito ay namamahala sa pag-access at paggamit mo sa website ng California State Lottery (“ang Lottery”) sa (ang “Site”) at lahat ng nauugnay na website, network, naida-download na software, mga mobile application (kabilang ang mga tablet application) at iba pang mga serbisyo ng teknolohiya (Mga Serbisyo) na inaalok ng Lottery (kasama ang Site, ang "Mga Serbisyo").

Pakibasa nang mabuti ang TOS na ito. Sa pag-access at paggamit sa Mga Serbisyo, pinatutunayan mong nabasa mo at sumasang-ayon kang mapatali sa mga TOS na ito (kabilang ang Patakaran sa Privacy). Kung hindi ka sang-ayon na matali sa mga TOS na ito o hindi karapat-dapat na gamitin ang Mga Serbisyo, mag-exit agad mula sa Site at pigilan ang paggamit sa Mga Serbisyo.

Para magparehistro para sa Mga Serbisyo, kailangan mong:

  • Maging labing walong (18) taong gulang o mas matanda.
  • Ibigay ang pangalan mo, petsa ng kapanganakan, email address at address sa California o PO box.

Gumagawa ang Lottery ng mga hakbang para i-verify ang impormasyon na isinumite mo kapag nagrerehistro para sa Mga Serbisyo. Kung sapat na na-verify, magbibigay ang nakarehistrong player account ng access sa lahat ng Mga Serbisyo. Kung lumitaw na ang impormasyon mo ay kwalipikado para sa isang account ngunit hindi sapat na mai-verify, hindi ka papayagan ng nakarehistrong player account mo n makalahok ka sa ilan sa mga Serbisyo, kabilang ang Jackpot Captain ng Lottery at mga programa ng 2nd Chance.

Isang nakarehistrong player account lang ang pinapayagan sa kada tao. Kung natukoy na ang isang tao ay maraming account, maaaring wakasan ng Lottery ang ilan o lahat ng mga account na iyon, sa sarili nitong kapasyahan. Bilang karagdagan, ang mga manlalaro na may maraming aktibong account ay maaaring madiskwalipika sa pagtanggap ng mga premyo ng 2nd Chance, sa sariling kapasyahan ng Lottery.

2. Mga Rebisyon sa Mga Tuntunin ng Serbisyo:

Pinanghahawakan ng Lottery ang karapatan, sa kapasyahan nito, na baguhin ang TOS na ito anumang oras. Pakisuri ang TOS na ito sa pana-panahon para sa mga pagbabago. Kung sakaling ang pagbabago sa TOS na ito ay materyal na nagbabago sa mga karapatan o obligasyon mo, maaaring magsagawa ang Lottery ng mga makatuwirang pagsisikap na ipaalam sa iyo ang naturang pagbabago. Maaaring magbigay ng abiso ang Lottery sa pamamagitan ng isang pop-up o banner sa loob ng Mga Serbisyo, sa pamamagitan ng pagpadala ng email sa anumang address na maaaring ginamit mo sa pagrehistro para sa isang account, o sa pamamagitan ng iba pang mekanismo.

3. Paglalarawan ng Mga Serbisyo

Nagbibigay ang Mga Serbisyo sa mga user ng iba't ibang anyo ng entertainment at mga paraan para manalo ng mga premyo malaki at maliit. Bilang isang manlalaro at nakarehistrong miyembro ng Mga Serbisyo, maaari kang magka-access sa pamamagitan ng iba't ibang device (tulad ng mga mobile phone at tablet) sa isang koleksyon ng mga mapagkukunan kabilang ang mga tool at forum sa pagbuo ng komunidad, naka-personalize na content at isang malawak na hanay ng mga branded na programa.

Bilang isang miyembro ng gumagamit ng Mga Serbisyo, naiintindihan mo at sumasang-ayon ka na maaaring may kasamang mga advertisement ang Mga Serbisyo na nagbibigay sa mga manlalaro ng impormasyon tungkol sa iba't ibang mga opsiyon sa entertainment at programming.

Naiintindihan mo rin at sumasang-ayon na makatatanggap ka ng mga komunikasyon mula sa Lottery sa pamamagitan ng Mga Serbisyo tulad ng mga anunsiyo ng serbisyo, mga mensaheng pang-administratibo, impormasyong may kaugnayan sa ilang partikular na feature ng Serbisyo (tulad ng mga mensahe mula sa Players' Lounge) at mga newsletter na nilalayong ibahagi ang pinakabagong impormasyon. tungkol sa Lottery. Magkakaroon ka ng opsiyon na "umayaw" sa ilan, ngunit hindi lahat, ng mga komunikasyon na ito.

Maliban kung hindi malinaw na sinabi, ang anumang mga bagong tampok na nagpapahusay sa Mga Serbisyo, kabilang ang paglabas ng mga bagong website ng Lottery, network, software, mobile application at iba pang mga serbisyo ng teknolohiya, ay sasailalim sa TOS na ito. Ikaw ang natatanging may responsibilidad para sa pagkuha ng access sa Mga Serbisyo, at nauunawaan mo na ang pag-access ay maaaring may kasamang mga bayarin sa third-party (tulad ng internet service provider o mga singil sa airtime).

Ikaw ang natatanging may responsibilidad para sa anumang nauugnay na mga bayarin. Bilang karagdagan, dapat kang magbigay at ikaw ang may pananagutan sa pagmamantini sa lahat ng kagamitang kinakailangan para ma-access mo ang Mga Serbisyo.

Nauunawaan mo na ang teknikal na pagproseso at pagpapadala ng Mga Serbisyo, kabilang ang iyong content, ay maaaring may kasamang mga pagpapadala sa iba't ibang network at mga pagbabago para paganahin ang pagsunod at pag-akma sa mga teknikal na rekisito sa pagkonekta ng mga network o device.

4. Ang Mga Obligasyon Mo sa Pagparehistro

Kapag nagparehistro ka para sa Mga Serbisyo, kinakatawan at ginagarantiyahan mo na:

  • Ikaw ay 18 taong gulang o mas matanda at hindi isang taong pinagbawalan na tumanggap ng Mga Serbisyo sa ilalim ng mga batas ng California o ng mga batas ng iba pang nalalapat na hurisdiksyon.
  • Magbibigay ka ng totoo, tumpak, kasalukuyan at kumpletong impormasyon tungkol sa iyong sarili ayon sa hinudyat ng form sa pagrehistro para sa Mga Serbisyo (ang “Impormasyon sa Pagparehistro”), kasama ang iyong tunay na buong legal na pangalan.
  • Mamantinihin at agad mong ia-update ang Impormasyon ng Pagparehistro para mapanatili itong totoo, tumpak, napapanahon at kumpleto.

KUNG MABIGO KANG SUMUNOD, O KUNG MAY MAKATUWIRANG DAHILAN ANG LOTTERY NA PAGHINALAAN NA NABIGO KANG SUMUNOD, SA ANUMANG BAHAGI NG MGA OBLIGASYON SA PAGREHISTRO, MGA REPRESENTASYON O WARRANTY NA INILARAWAN SA SEKSIYON 4 NA ITO, HINDI KA MAGIGING KARAPAT_DAPAT NA TUMANGGAP NG MGA PREMYO MULA SA LOTTERY AY MAGKAKAROON NG KARAPATAN ANG LOTTERY NA ISUSPINDI O WAKASAN ANG MEMBERSHIP MO AT TANGGIHAN ANG ANUMAN AT LAHAT NG KASALUKUYAN O PANGHINAHARAP NA PAGGAMIT SA MGA SERBISYO.

Sa kaso ng mga 2nd Chance draw, tanging ang isang tao na kinilala sa pangalan sa mga opisyal na talaan ng Lottery na konektado sa mga nanalong numero ang maaaring mag-claim ng premyo.

5. Account ng Miyembro, Password at Seguridad

Para ma-access at magamit ang karamihan sa mga feature ng Mga Serbisyo, kakailanganin mong magparehistro para sa isang account. Hihilingin sa iyo na ipasok ang email address mo at magbigay ng password sa panahon ng proseso ng pagparehistro para sa Mga Serbisyo. Responsibilidad mong panatilihin ang pagkalihim ng iyong password at account at para sa lahat ng aktibidad at paggamit na nangyayari sa iyong account. Sumasang-ayon ka na agad na ipaalam sa Lottery ang anumang hindi awtorisadong paggamit ng iyong password o account o anumang iba pang paglabag sa seguridad. Sumasang-ayon ka na hindi ibabahagi ang password mo, payagan ang iba na ma-access ang iyong account o gumawa ng anumang bagay na maaaring magpahamak sa seguridad ng iyong account sa Mga Serbisyo. Sumasang-ayon kang hindi ililipat ang account mo sa Mga Serbisyo sa sinumang ibang tao o entity. Hindi papanagutan ng Lottery ang anumang pagkawala o pagkasira na dulot ng pagkabigo mong sumunod sa mga reksiitong ito.

6. Content

Maaaring payagan ng ilang partikular na feature ng Mga Serbisyo ang mga user na mag-post ng content, kabilang ang mga mensahe, data, text at iba pang uri ng mga gawa (sama-sama, “Content”) at mag-publish ng Content sa Mga Serbisyo. Mananatiling iyo ang copyright at anumang iba pang mga karapatan sa pag-aari na maaaring hawak mo sa Content na iyong nai-post sa Mga Serbisyo.

Sa pamamagitan ng pag-post o pag-publish ng Content, binibigyan mo ang Lottery ng isang pandaigdigang, hindi eksklusibo, walang royalty na karapatan at lisensya (na may karapatang mag-sublicense) na mag-host, mag-imbak, maglipat, magpakita, magsagawa, paramihin, baguhin at ipamahagi ang iyong Content, nang buo o bahagi, sa anumang format ng media at sa pamamagitan ng anumang channel ng media (kilala ngayon o mabubuo sa hinaharap) na may kaugnayan sa Mga Serbisyo. Anumang naturang paggamit ng iyong Content sa pamamagitan ng Lottery ay maaaring walang anumang kabayarang ibabayad sa iyo.

Ikaw ang natatanging may responsibilidad para sa Content mo at sa mga kahihinatnan ng pag-post o pag-publish ng Content. Sa pamamagitan ng pag-post at pag-publish ng Content, pinagtitibay mo, kinakatawan at ginagarantiyahan mo na:

  • Ikaw ang lumikha at may-ari ng, o mayroon ng mga kinakailangang lisensya, karapatan, pagpayag at pahintulot na gamitin at pahintulutan ang Lottery at mga user ng Mga Serbisyo na gamitin at ipamahagi ang iyong Content kung kinakailangan para gamitin ang mga lisensyang ibinigay mo sa seksiyon na ito at sa paraang pinag-isipan ng Lottery at ng mga TOS na ito.
  • Ang iyong Content, at paggamit dito gaya ng pinag-iisipan ng TOS na ito, ay hindi at hindi: (i) nakalalabag, lumalabag o ginagamit nang di-wasto ang anumang karapatan ng third-party, kabilang ang anumang copyright, trademark, patent, trade secret, karapatan sa moral, karapatan sa pagkapribado, karapatan sa publisidad o anumang iba pang intelektwal na ari-arian o karapatan sa pagmamay-ari; o (ii) nakasisirang-puri sa sinumang ibang tao.

Hindi obligado ang Lottery na i-edit o kontrolin ang Content na nai-post o nai-publish mo o ng iba pang mga user, at hindi magiging responsable o mananagot sa anumang paraan para sa Content. Gayunpaman, maaaring gawin ng Lottery sa anumang oras at nang walang paunang abiso, na i-screen, alisin, i-edit o i-block ang anumang Content na sa aming natatanging kapasyahan ay nakalalabag sa TOS na ito o kung hindi man ay hindi kanais-nais. Nauunawaan mo na kapag ginagamit ang Mga Serbisyo ay malalantad ka sa Content na mula sa iba't ibang mga mapagkukunan at tinatanggap na ang Content ay maaaring hindi tumpak, nakasasakit, hindi disente o hindi kanais-nais. Sumasang-ayon kang talikdan, at sa pamamagitan nito ay isinusuko, ang anumang legal o patas na mga karapatan o remedyo na mayroon ka o maaaring mayroon ka laban sa Lottery na may kinalaman sa Content. Hayagang itinatatwa ng Lottery ang anuman at lahat ng pananagutan na may kaugnayan sa Content. Kung maabisuhan na ang Content umano'y hindi nakasusunod sa TOS na ito, maaaring imbestigahan ng Lottery ang paratang at tutukuyin, sa sarili nitong kapasyahan, kung aalisin ang Content, na karapatannitong pinanghahawakan anumang oras at nang walang abiso.

7. DMCA

Ang Digital Millennium Copyright Act (17 U.S.C. §512, ayon sa pagkaka-amyenda) ay nagbibigay ng mekanismo para sa pagsumite ng mga reklamo sa materyales na nai-post sa Mga Serbisyo. Maaari kang makipag-ugnayan sa aming Nakatalagang Kinatawan sa sumusunod na address:

The California State Lottery
Attn: Lottery Designated Agent
700 North 10th Street
Sacramento, CA 95811
Email: copyright@calottery.com

Anumang abiso na nagpaparatang na ang mga materyal na hino-host ng o ipinamahagi sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay nakalalabag sa mga karapatan sa intelektwal na ari-arian ay dapat na may kasamang mga sumusunod na impormasyon:

  • Isang electronic o pisikal na pirma ng taong pinahintulutang kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright o iba pang karapatang nilabag.
  • Pagkakakilanlan ng naka-copyright na gawa o iba pang intelektwal na ari-arian na sinasabi mong nilabag. • Ang iyong address, numero ng telepono at email address.
  • Isang pahayag mo na mayroon kang magandang loob na paniniwala na ang paggamit ng mga materyal sa Mga Serbisyo na iyong inirereklamo ay hindi pinapahintulutan ng may-ari ng copyright, ahente nito o ng batas.
  • Ang pagkakakilanlan ng materyal na inaangkin mo na nakalalabag at kung saan ito matatagpuan sa Serbisyo.
  • Isang pahayag mo na ang impormasyon sa iyong abiso ay tumpak at, sa ilalim ng parusa sa pagsisinungaling, na ikaw ang may-ari ng copyright o intelektwal na pag-aari o awtorisadong kumilos sa ngalan ng copyright o intelektwal na pag-aari.

Wawakasan ng Lottery ang mga account ng mga user na natukoy ng Lottery na "umulit sa paglabag.” Ang umulit sa paglabag ay isang user na naabisuhan ng aktibidad na nakalalabag nang higit sa dalawang beses at/o inalis ang Content mula sa Mga Serbisyo nang higit sa dalawang beses.

8. Ikinikilos ng Miyembro

Sa pag-access sa Mga Serbisyo, sumasang-ayon kang hindi:

  • Magpapasok ng mga pagsumite ng 2nd Chance mula sa isang lokasyon sa labas ng estado ng California.
  • Mag-upload, mag-post, mag-email, magpadala o kung hindi man ay gawing magagamit ang anumang Content o iba pang materyal na labag sa batas, nakapipinsala, nagbabanta, mapang-abuso, nanliligalig, mapanirang-puri, bulgar, pornograpiko, malaswa, libelo, nakakasagabal sa privacy ng iba, mapoot o kontra-lahi, kontra-etnisidad o kaya’y katutol-tutol.
  • Manakit ng mga menor-de-edad sa anumang paraan.
  • Magpanggap bilang sinumang tao o entidad, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, opisyal ng Lottery, pinuno ng forum, gabay o host, o maling sabihin o kung hindi man ay maling representasyon ang iyong kaugnayan sa isang tao o entidad. • Mameke ng mga header o kaya’y manipulahin ang mga identifier para itago ang pinagmulan ng anumang Content na ipinadala sa pamamagitan ng Mga Serbisyo.
  • Mag-upload, mag-post, mag-email, magpadala o kung hindi man ay gawing magagamit ang anumang Content na wala kang karapatang gawing magagamit sa ilalim ng anumang batas o sa ilalim ng mga relasyong kontraktwal o fiduciary (tulad ng pagmamay-ari at lihim na impormasyong natutunan o isiniwalat bilang bahagi ng relasyon sa trabaho o sa ilalim ng isang kasunduan sa hindi pagsisiwalat).
  • Mag-upload, mag-post, mag-email, magpadala o kung hindi man ay gawing magagamit ang anumang hindi hinihingi o hindi awtorisadong advertising, mga materyal na pang-promo, “junk mail,” “spam,” “chain letters,” “pyramid schemes” o anumang iba pang paraan ng pangangalap.
  • Mag-upload, mag-post, mag-email, magpadala o kung hindi man ay gawing magagamit ang anumang materyal na naglalaman ng mga virus ng software o anumang iba pang computer code, mga file o program na idinisenyo para matakpan, sirain o limitahan ang paggana ng anumang computer software, hardware o kagamitan sa telekomunikasyon.
  • Abalahin ang normal na daloy ng pag-uusap, magdulot ng "pag-scroll" ng screen nang mas mabilis kaysa sa pag-type ng ibang mga user ng Mga Serbisyo, o kung hindi man ay kumilos sa paraang negatibong nakakaapekto sa kakayahan ng ibang mga user na makisali sa mga real-time na palitan.
  • makialam o gambalain sa ang Mga Serbisyo o mga server o network na konektado sa Mga Serbisyo, o sumuway sa anumang mga rekisito, pamamaraan, patakaran o regulasyon ng mga network na konektado sa Mga Serbisyo, kabilang ang paggamit ng anumang device, software o routine para i-bypass ang mga header ng pagbubukod ng robot.
  • Gumawa ng anumang bagay na maaaring hindi paganahin, labis na pabigatan o hadlangan ang wastong paggana ng Mga Serbisyo, tulad ng isang denial of service na pag-atake.
  • Sinadya o hindi sinasadyang lumabag sa anumang umiiral na lokal, pang-estado, pambansa o internasyonal na batas o regulasyon.
  • "Mag-stalk," mam-bully, manakot o kaya’y mangligalig ng ibang tao sa Mga Serbisyo.
  • Mag-alok ng anumang paligsahan, giveaway o sweepstakes sa Mga Serbisyo.
  • Kumolekta o mag-imbak ng personal na data tungkol sa iba pang mga user na may kaugnayan sa ipinagbabawal na pagkilos at aktibidad na itinakda sa itaas, kabilang ang paghingi ng impormasyon sa pag-log in o pag-access sa isang account na pag-aari ng ibang tao.
  • Subukang gawin ang alinman sa mga nabanggit o tumulong o pahintulutan ang sinumang ibang tao na makisali o magtangkang makisali sa alinman sa mga nabanggit.

Nauunawaan mo na ang Mga Serbisyo at software na nakapaloob sa Mga Serbisyo ay maaaring may kasamang mga bahagi ng seguridad na nagproprotekta sa mga digital na materyales laban sa hindi pinahihintulutang pamamahagi, pagpaparami o paggamit. Hindi mo maaaring subukang i-override o iwasan ang alinman sa mga digital na hakbang sa proteksiyon na ito maliban kung hayagang pinahihintulutan ng batas.

9. Pang-Interstate na Kalikasan ng Komunikasyon sa Lottery Network

Kapag nagparehistro ka para sa Mga Serbisyo, kinikilala mo na ikaw ay magdudulot ng pagpapadala ng mga komunikasyon sa pamamagitan ng network ng computer ng Lottery, ang mga bahagi nito ay matatagpuan sa California, Texas at iba pang mga lokasyon sa Estados Unidos o sa ibang bansa. Bilang resulta ng network na ito, ang mga komunikasyon na maaaring mukhang nasa loob ng estado ay maaaring magresulta sa paghahatid ng mga interstate o internasyonal na komunikasyon, kung saan ka man pisikal na matatagpuan sa oras ng paghahatid. Alinsunod dito, sa pagtanggap sa TOS na ito, kinikilala mo na ang paggamit ng Mga Serbisyo ay maaaring magresulta sa mga interstate o internasyonal na pagpapadala ng data.

10. Pagsumite ng mga Ideya sa Lottery

Ang anumang hindi hinihinging pagsusumite ng ideya na gagawin mo ay hahawakan alinsunod sa Lottery’s Submissions Policy (PDF).

11. Bayad-pinsala

Sumasang-ayon kang magbayad ng danyos at panghahawakang hindi nakaipinsala ang Lottery at mga affiliate nito, ma ahente, mga empleyado, mga kasosyo at tagapaglisensya mula sa anuman at lahat ng paghahabol o hinihingi, kabilang ang mga makatwirang gastos sa korte at mga bayarin sa mga abogado, na ginawa ng anumang ikatlong partido dahil sa o nagmumula sa Content na isinumite mo, nai-post, ipinadala, binago o kaya’y ginawang magagamit sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, ng paggamit mo sa Mga Serbisyo, ng koneksiyon mo sa Mga Serbisyo, ng paglabag mo sa TOS o paglabag mo sa anumang mga karapatan ng sinumang third party.

12. Walang Komersyal na Muling-Paggamit sa Mga Serbisyo

Sumasang-ayon ka na hindi ire-reproduce, idu-duplicate, kopyahin, ibenta, ipagpalit, muling ibenta o samantalahin para sa anumang personal o komersyal na layunin ang anumang bahagi, paggamit o pag-access sa Mga Serbisyo (kabilang ang anumang Content, advertisement o Software).

13. Mga Pangkalahatang Kagawian Tungkol sa Paggamit at Pag-iimbak

Kinikilala mo na ang Lottery ay maaaring magtatag ng mga pangkalahatang kagawian at limitasyon kaugnay sa paggamit ng Mga Serbisyo, kasama nang walang limitasyon ang maximum na bilang ng mga araw na mananatili sa Mga Serbisyo ang ini-upload na Content, at maximum na bilang ng beses at tagal kung saan maaari mong ma-access ang Mga Serbisyo sa isang takdang panahon. Sumasang-ayon ka na ang Lottery ay walang responsibilidad o pananagutan para sa pagtanggal o pagkabigong iimbak ang anumang mensahe at iba pang mga komunikasyon o iba pang Content na nasa pag-iingat o ipinadala ng Mga Serbisyo. Kinikilala mo na pinanghahawakan ng Lottery ang karapatang i-log off ang mga account na hindi aktibo nang mahabang panahon. Kinikilala mo pa na pinanghahawakan ng Lottery ang karapatan na baguhin ang mga pangkalahatang kagawian at limitasyon na ito sa pana-panahon.

14. Mga Pagbabago sa Mga Serbisyo

Sa lahat ng oras ay pinanghahawakan ng Lottery ang karapatan na baguhin, suspindihin o ihinto, nang pansamantala o permanente, ang Mga Serbisyo (o anumang bahagi nito) nang mayroon o walang abiso. Sumasang-ayon ka na hindi mananagot ang Lottery sa iyo o sa sinumang third party para sa anumang naturang pagbabago, pagsususpindi o paghinto ng Mga Serbisyo (o anumang bahagi nito).

15. Pagwakas

Maaari mong wakasan ang iyong Lottery account o ang access mo sa Mga Serbisyo (o anumang bahagi nito) sa pamamagitan ng pagsumite ng nasabing kahilingan na pagwakas sa Lottery. 

Sumasang-ayon ka na ang Lottery ay maaaring, nang walang paunang abiso, agad na wakasan, limitahan ang iyong pag-access sa o suspindihin ang iyong Lottery account o pag-access sa Mga Serbisyo (o anumang bahagi nito) nang may dahilan o walang dahilan. Maaaring kabilang sa mga salik na isinasaalang-alang sa pagwakas, paglimita sa pag-access o pagsuspindi ang, nang walang limitasyon:

  • Mga di-pagtupad o paglabag sa TOS o sa iba pang isinamang kasunduan o pamatnubay.
  • Mga kahilingan ng alagad ng batas o iba pang ahensiya ng gobyerno.
  • Paghinto o materyal na pagbabago sa Mga Serbisyo (o anumang bahagi nito).
  • Mga hindi inaasahang problemang teknikal o pangseguridad.
  • Mahahabang panahon ng kawalan ng aktibidad.
  • Pakikipag-ugnayan mo sa mga mapanlinlang o ilegal na aktibidad.
  • Anumang maling kilos tulad ng nakasaad sa Seksiyon 8 sa itaas.

Dagdag pa, sumasang-ayon ka na ang lahat ng pagwakas, limitasyon sa pag-access at pagsuspindi ay nasa sariling kapasyahan ng Lottery, at hindi mananagot ang Lottery sa iyo o sa sinumang third party para sa anumang pagwakas ng iyong account o pag-access sa Mga Serbisyo (o anumang bahagi nito).

16. Mga Karapatan ng May-ari ng Lottery

Kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang Mga Serbisyo at anumang software, visual na interface, graphics, disenyo, compilation, impormasyon, data, computer code (kabilang ang source code o object code), mga produkto, software, mga serbisyo at lahat ng iba pang elemento ng Mga Serbisyo ("Software ”) ay protektado ng umiiral na pag-aaring intelektwal at iba pang mga batas. Kinikilala at sinasang-ayunan mo pa na ang Content na nilalaman sa Mga Serbisyo ay protektado ng mga copyright, trademark, marka ng serbisyo, patent o iba pang mga karapatan at batas sa pagmamay-ari.

Maliban kung hayagang pinapahintulutan ng batas o awtorisado ng mga tuntunin ng umiiral na lisensya, hindi mo maaaring kopyahin, ibenta, baguhin, ipamahagi, ipakita, isagawa, lumikha ng hinangong gawa ng o i-reverse engineer ang anumang elemento ng Software o Mga Serbisyo. Sumasang-ayon kang hindi ia-access ang Mga Serbisyo sa anumang paraan maliban sa paggamit sa hindi binagong Software na ibinigay sa iyo ng Lottery.

Pinanghahawakan ng Lottery ang lahat na karapatan sa Software na hindi hayagang ibinigay sa TOS na ito.

17. Limitasyon ng Pananagutan

HAYAG MONG NAUUNAWAAN AT SINASANG-AYUNAN NA ANG LOTTERY AT MGA AFFILIATE NITO, MGA EMPLEYADO, MGA AHENTE, MGA PARTNER AT TAGALISENSYA AY HINDI MANANAGOT SA IYO PARA SA ANUMANG DANYOS NA PUNITIVE, DIRECT, INCIDENTAL, SPECIAL, CONSEQUENTIAL O EXEMPLARY, KABILANG ANG, NGUNITHINDI LIMITADO SA, MGA PINSALA PARA SA PAGKAWALA NG KINITA, GOODWILL, PAGGAMIT, DATA O IBA PANG DI-NAHAHAWAKANG KAWALAN, KAHIT NA SINABIHAN ANG LOTTERY SA POSIBILIDAD NG NATURANG MGA DANYOS, NA BUHAT NG:

  • KAKAYAHAN O KAWALANG-KAKAYAHAN MO NA MA-ACCESS O MAGAMIT ANG MGA SERBISYO.
  • ANG GASTOS SA PAGBILI NG MGA PANGHALIP NA KALAKAL AT SERBISYO.
  • HINDI AWTORISADONG PAG-ACCESS SA O PAGBAGO SA IYONG CONTENT O DATA.
  • MGA PAHAYAG O IKINILOS NG SINUMANG THIRD PARTY SA MGA SERBISYO.
  • ANUMANG IBA PANG BAGAY NA KAUGNAY SA MGA SERBISYO.

SUMASANG-AYON KA NA ANG TINIPON NA PANANAGUTAN NG LOTTERY SA IYO PARA SA ANUMANG AT LAHAT NG CLAIM NA MAGBUBUHAT SA O KAUGNAY SA PAGGAMIT NG MGA SERBISYO, MAGING SA KONTRATA MAN, MAHIGPIT NA PANANAGUTAN, TORT (KASAMA ANG PAGPAPABAYA) O ANUPAMAN AY LIMITADO SA $100.

18. Walang Third-Party na Benepisyaryo

Sumasang-ayon ka na, maliban kung hayagang itinakda sa TOS, walang third-party na benepisyaryo sa kasunduang ito.

19. Venue

Ang mga TOS na ito at paggamit sa Mga Serbisyo ay pinamamahalaan ng at bibigyang-kahulugan alinsunod sa mga batas ng California at sa mga batas ng Estados Unidos. Ang eksklusibong venue (paggaganapan) para sa anumang bagay na nauugnay sa o nagmumula sa paggamit ng Mga Serbisyo ay isang pang-estado o pederal na hukuman na may karampatang hurisdiksyon sa Sacramento, California. Sa abot na ang anumang bahagi ng TOS na ito ay natukoy na hindi maipapatupad ng naturang korte na may karampatang hurisdiksyon, ang naturang bahagi ay babaguhin para lamang sa abot ng kinakailangan para maging maipapatupad ang naturang bahagi, at ang mga TOS na ito, na binago, ay mananatiling may ganap na may-bisa at epekto. Itinakda nito ang mga karapatan at obligasyon ng mga gumagamit at ng Lottery sa kanilang kabuuan na nauugnay sa paksa dito.

20. Mga Paglabag

Pakiulat ang anumang paglabag sa TOS sa Customer Service ng Lottery.

21. Mga trademark (tatak-pangkalakal)

Prinoprotektahan ng Lottery ang mga trademark nito, na pag-aari ng Lottery at hindi maaaring gamitin nang walang paunang nasusulat na pahintulot ng Lottery. Hindi pinapayagan ng Lottery ang paggamit sa pangalan nito, sa graphics o logo nito sa advertising, bilang pag-endorso para sa anumang produkto o serbisyo, o para sa anumang iba pang layunin, komersiyal o kung hindi man, nang walang paunang nasusulat na pag-apruba ng Lottery. Walang lisensya para gamitin ang mga trademark ng Lottery na ipagkakaloob sa ilalim ng TOS na ito.

22. Disclaimer

ANG MGA SERBISYO, KABILANG ANG, NANG WALANG LIMITASYON, LAHAT NG IMPORMASYON AT CONTENT NA GINAWANG MAGAGAMIT SA SITE, AY IBINIBIGAY NANG "AS-IS.” ANG LOTTERY AT MGA AFFILIATE NITO, MGA EMPLEYADO, AT MGA AHENTE AY WALANG IBINIBIGAY NA REPRESENTASYON O WARRANTY NA ANUMANG URI O KALIKASAN KAUGNAY NG MGA SERBISYO, CONTENT O SITE, O MGA HYPERTEXT LINK PAPUNTA SA IBANG PANLABAS NA WEBSITE. ITINATATWA NG LOTTERY AT MGA AFFILIATE NITO, MGA EMPLEYADO, AT MGA AHENTE ANG ANUMANG HAYAG O IPINAHIWATIG NA WARRANTY NA ANUMANG URI O KALIKASAN, KABILANG ANG, NANG WALANG LIMITASYON, MGA WARRANTY NA KAUGNAY SA ANUMANG KURSO NG PAGBENTA, PAGGAMIT, O PAGGAMIT O KAGAWIAN SA INDUSTRIYA, AT MGA IPINAHIWATIG NA WARRANTY NG KAWLANG-PAGLABAG, KAKAYAHANG MABENTA AT KAANGKUPAN PARA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN. DAGDAG PA, ANG LOTTERY AY HINDI NAGSASABI O NAGGAGARANTIYA NA ANG PAG-ACCESS MO AY HINDI MAHIHINTO O MALAYA SA ERROR, NA ANG MGA DEPEKTO AY MAIWAWASTO O NA ANG MGA SERBISYO AT MATERYAL NA NAKUKUHA MULA SA MGA SERBISYO AY WALANG VIRUS O IBA PANG NAKAPIPINSALANG BAHAGI. ANG MGA SERBISYO AY MAY KASAMANG IMPORMASYON NA MAAARING MAGBABAGO NANG WALANG ABISO. HINDI NAGGAGARANTIYA ANG LOTTERY O GUMAGAWA NG ANUMANG REPRESENTASYON TUNGKOL SA PAGGAMIT NG IMPORMASYON NA NASA MGA SERBISYO O SA KATUMPAKAN O PAGKA-MAASAHAN NG NATURANG IMPORMASYON. NATATANGING RESPONSIBILIDAD MO NA KUMPIRMAHIN ANG KATUMPAKAN, PAGKAKUMPLETO, O PAGKA-MAASAHAN NG NATURANG IMPORMASYON. SA PANGYAYARI MAY SALUNGATAN SA PAGITAN NG OPISYAL NA MGA OPISYAL NA RECORD NG LOTTERY AT IMPORMASYON NA NASA MGA SERBISYO, ANG MGA NANALONG NUMERO AT MGA HALAGA NG PREMYO NA NASA MGA OPISYAL NA RECORD NG LOTTERY ANG MANANAIG.

WALANG PAYO O IMPORMASYON, MAGING BINIGKAS O NASUSULAT, NA NAKUHA MO MULA SA MGA SERBISYO O ANUMANG MGA BABASAHIN NG CONTENT NA MAGAGAMIT SA PAMAMAGITAN NG MGA SERBISYO ANG LILIKHA NG ANUMANG WARRANTY TUNGKOL SA LOTTERY O SA MGA SERBISYO NA HINDI HAYAGANG BINANGGIT SA MGA TUNTUNIN NG SERBISYO NA ITO.

23. Mga Link

Ang Lottery ay maaaring, sa panaha-panahon, ay magbibigay ng mga link papunta sa mga third-party na website. Hindi mananagot ang Lottery para sa mga naturang naka-link na website o para sa content ng anumang naka-link na website. Ibinibigay ng Lottery ang mga link na ito bilang karagdagang mapagkukunan para sa mga gumagamit ng website nito at hindi gumagawa ng mga representasyon tungkol sa nilalaman ng anumang naka-link na website o anumang mga kompanya na nagmamay-ari, kumokontrol o namamahala sa mga naka-link na website. Dahil dito, hindi mananagot ang Lottery para sa katumpakan, kaugnayan, pagsunod sa copyright, legalidad o pagkadisente ng materyal na nilalaman sa, o mga programa, serbisyo o produkto na inaalok ng, mga website na naka-link mula sa Mga Serbisyo.

24. Mga Email at Newsletter

Maaaring magbigay ang Lottery ng mga serbisyo ng email at newsletter para abisuhan ang mga interesadong manlalaro tungkol sa mga nanalong numero ng lottery at mga halaga ng jackpot at iba pang naturang impormasyon. Ang mga indibidwal na nagsasabing sila ay 18 taong gulang man lang o mas matanda pa ay maaaring magsumite ng kahilingan na makatanggap ng mga email at newsletter sa pamamagitan ng pagbigay ng kanilang pangalan, email address at iba pang impormasyon sa Lottery sa lugar ng pagpaparehistro ng mga manlalaro. Responsibilidad ng mga indibidwal na nagsusumite ng mga naturang kahilingan na i-verify ang katumpakan ng kanilang email address.

HINDI GINAGARANTIYA NG LOTTERY ANG KATUMPAKAN, PAGKAKUMPLETO, O PAGKA-MAASAHAN NG IMPORMASYON NA NASA EMAIL O NEWSLETTER AT TINATALIKDAN ANG LAHAT NG PANANAGUTAN NA MAGBUBUHAT SA PAGGAMIT NG ANUMANG NATURANG IMPORMASYON. GUMAGAWA ANG LOTTERY NG AMAKATUWIRANG PAGSISIKAP PARA TIYAKIN NA TUMPAK ANG IMPORMASYON NA NASA EMAIL AT NEWSLETTER. GAYUNPAMAN, KUNG MAY ERROR, ANG MGA NANALONG NUMERO AT MGA HALAGA NG PREMYO NA NASA MGA OPISYAL NA RECORD NG LOTTERY ANG KOKONTROL.

25. Seguridad ng Internet at Website ng Lottery

Maabisuhan na ang seguridad ng internet ay hindi magagarantiya, at, kaya, hindi matitiyak ang privacy mo doon. Hindi responsibilidad ng Lottery ang anumang hindi awtorisadong pag-access sa mga komunikasyon na isinumite mo gamit ang internet.

26. Mga Karagdagang Tuntunin

Ang paggamit mo sa Mga Serbisyo ay sasailalim sa anumang at lahat na karagdagang tuntunin, patakaran, panuntunan o pamatnubay na umiiral sa Mga Serbisyo o ilang partikular na feature ng Mga Serbisyo na maaaring i-post o i-link ng Lottery sa Mga Serbisyo (ang "Mga Karagdagang Tuntunin"), katulad ng mga kasunduan sa lisensya ng end-user para sa anumang Software na maaaring ialok ng Lottery, o mga panuntunang umiiral sa mga partikular na feature o content na nasa Mga Serbisyo, na napapailalim sa iyong pagtanggap sa naturang Mga Karagdagang Tuntunin. Ang lahat ng naturang Karagdagang Tuntunin ay isinasama sa pamamagitan ng pagtukoy sa, at ginawang bahagi ng, mga TOS na ito.

27. Privacy (Pagkapribado)

isinasa-isip ng Lottery ang iyong privacy. Pakibasa nang mabuti ang Patakaran sa Privacy ng Lottery para sa impormasyon na kaugnay ng pagkolekta, paggamit, pag-imbak at pagsiwalat ng Lottery ng personal na impormasyon mo. Ang Patakaran sa Privacy ng Lottery ay isinasama sa pamamagitan ng pagtukoy sa, at ginawang bahagi ng, mga TOS na ito.

Petsa na Magkakabisa: Agosto 27, 2019