GABAY SA PAGREREGALO NG SCRATCHERS

Gabay sa Pagreregalo ng Scratchers®

Pinapadali ng Scratchers® ang paghahanap ng perpektong regalo para sa kahit anong okasyon! Ito ay tamang-tama para sa holiday, kaarawan, anibersaryo, at pagtatapos. Mahahanap ang Scratchers sa inyong lokal na tindahan, gasolinahan, grocery, at iba pa. May mga bagong Scratchers na nilalabas kada buwan, kaya maraming mapagpipiliang pang-regalo para sa lahat ng may edad 18 pataas. Ang paggawa ng bouquet o gift basket na may lottery tickets ay laging patok.

Para sa mga Super Fan

SuperLotto Plus® Multiplier ($5) ang perpektong regalo para sa mga nasisiyahan sa SuperLotto Plus draw game at sa thrill ng Scratchers game.

Para sa mga California Enthusiast

Iregalo ang Golden State Riches ($20), isang horizontal game na nagtatampok ng mga iconic na larawang kumakatawan sa California at tiyak na magdaragdag ng ginintuang saya sa mga pagtitipon. 

Para sa mga Soccer Fans

Damhin ang bugso ng game-day excitement sa GOOOAAAL! ($2). Mula sa unang pag-scratch hanggang sa huling pito ng silbato, tuloy-tuloy ang soccer-inspired na saya. 


Para sa Stars & Stripes

Magdiwang na star-spangled ang istilo gamit ang Red, White & Blue 7's ($5)! Iregalo ang mga ito sa susunod ninyong pagtitipon upang lumikha ng mga di-malilimutang sandaling puno ng makabayang saya. 

Para sa mga Glow Getter

Pasiglahin ang anumang okasyon sa kislap at kinang ng Neon Jackpot ($10). Mag-iiwan ng magandang impresyon sa mga tatanggap ng regalo ang matitingkad na kulay neon ng larong ito. 

Para sa mga Matchmakers

Isang popular na pagpipilian ang LOTERIA™ ($3) na may makukulay na icon at simbolo gaya ng La Rosa, El Gallo, La Corona, at marami pang iba. Palaging magandang pangregalo ang paboritong ito ng mga fan. 


Jaws $5 Scratcher game

Para sa Mahihilig sa Pelikula

Simula Na Ngayon: JAWS ($5)! Tiyak na magdudulot ng kasiyahan ang larong ito para sa sinumang nasa gift list mo. 

$2 Dominoes Scratcher Ticket

Para sa mga Mahihilig sa Game Night

Ang Dominoes ($2) ay isang madaling laruin na matching style game, perpekto para sa game night kasama ang mga kaibigan at pamilya.

$1 Million Poker Scratcher Game Ticket

Para sa Mahihilig sa Poker

Sigurado ang saya sa $1,000,000 Poker ($10). Naka-all in ang mga recipient para sa nakaka-excite na poker-table-themed game na ito. 


ROYAL JACKPOT SCRATCHERS GAME
Para sa mga Mahilig Magdiwang

Ang Royal Jackpot ($40) ay isang magandang regalo para sa sinumang nais maranasan ang marangyang pakiramdam ng pagiging isang royalty. Bigyan ang iyong mga mahal sa buhay ng karanasang karapat-dapat sa mga hari at reyna!

CALIFORNIA COLOR POP SCRATCHERS GAMES.

Para sa mga Nagniningning na Personalidad

Pasiglahin ang araw nila sa bagong paraan ng paglalaro! Magbigay ng California Color Pop ($10), isang makulay na bagong laro na may mga nakakatuwang simbolo sa halip na mga numero. Magugustuhan nila ang makulay na twist ng masiglang larong ito 

Para sa mga Lihim na Tagahanga

Ibahagi ang pagmamahal. Cash Crush ($5)ay isang magandang pagpipilian na may hatid na saya at mapaglarong mga sorpresa para sa mga mahal sa buhay at mga pusong wagas. 


Para sa Sayang Masigla

Hatid ng $1,000,000 Money Mania ($10) ang sagad-sagarang saya at isang di-malilimot na karanasan na tiyak na ikatutuwa ng tatanggap ng regalo mo. Kung saan ang matinding saya ay nagiging mahahalagang sandali.

Para sa mga Superstar

Ilabas ang red carpet para sa isang taong espesyal. Dala ng Red Carpet Riches ($20) ang kinang, karilagan, at isang di-malilimutang karanasan sa gitna ng entablado. 

Para sa Napaka-init na Saya

Magbigay ng regalong na may hatid na init ng saya! Fireball Bingo ($3) ay naghahatid ng nagliliyab na aksiyon ng bingo sa anumang okasyon.