A serious man.

Maging Responsable sa Paglalaro

Huwag hayaang maging problema ang pagsusugal.

MAGING RESPONSABLE SA PAGLALARO

Gusto ng California State Lottery na ma-enjoy mo ang mga laro sa Lottery, at ang ibig sabihin noon ay paglalaro ng mga ito sa responsableng paraan. Ang paghiram ng pera para makapaglaro, paggastos nang lampas sa budget, mo o paggamit ng perang nakalaan sa ibang bagay ay puwedeng humantong sa malalaking problema para sa iyo at sa iyong pamilya. Gamitin ang mga alituntuning ito para matiyak na masaya, ligtas, at legal ang pagsusugal mo.
Paano Magsugal nang Responsable
  • Huwag kailanman magsugal gamit ang hiniram na pera.
  • Lumikha ng lingguhan o buwanang budget para sa paggasta para sa libangan at huwag itong hihigitan. Isaalang-alang ang anumang pera na ginagastos mo sa pagsusugal bilang gastos para sa libangan.
  • Gastusin lang kung ano ang kaya mong mawala kapag naglaro ka.
  • Tandaan na, sa paglipas ng panahon, malamang na matatalo ka, at ang malaking kikitain ay bihirang nagiging benepisyo ng pagsusugal. Sa halip, humanap ng saya sa pakikipagsapalaran, manalo paminsan-minsan at magsaya.
  • Huwag magsugal nang mag-isa. Gawin ito kasama ng mga kaibigan, pamilya o katrabaho habang tinatangkilik ang iba pang uri ng libangan. Hindi dapat na maging importante ang pagsusugal para sa pagsasaya.
  • Limitahan kung gaano kadalas at kung gaano katagal ka nagsusugal. Kung mas madalas kang nagsusugal at mas matagal, nasa panganib kang maging isang sugarol na may problema.
  • Desisyon mo dapat ang pagsusugal. Huwag hayaang ang sinuman na pilitin kang gawin ito. Kung nahihirapan ka sa pagkalulong, marahil ay hindi mo na dapat gustong magsugal.
  • Iwasan ang alak o iba pang droga kapag nagsusugal ka. Mapanganib ang paggamit sa mga ito dahil maaaring makaapekto ang mga ito sa iyong pagdesisyon, at maaaring tumaya ka nang higit pa kaysa sa binalak mo.
Huwag Magsugal kung Ikaw ay:
  • Wala pa sa legal na edad. Dapat na edad 18 ka para maglaro ng Lottery. Para sa karamihan ng iba pang uri ng pagsusugal, dapat ay 21 ka.
  • Sa pagbangon mula sa compulsive o pathological na pagsusugal.
  • Sa mga unang yugto ng pagbangon mula sa alkoholismo o pagkalulong sa kemikal.
  • Ipinagbabawal ang pagsusugal ayon sa patakaran ng organisasyon o employer.
  • Nag-iisa, galit, labis na malungkot o nasi-stress.
  • Nagluluksa sa pagkamatay o pagkawala ng isang mahal sa buhay.
  • Sinusubukang lutasin ang mga problemang personal o ng pamilya.
  • Nagpapasikat sa ibang tao.
Humingi ng Tulong sa Problema sa Pagsusugal

Kung ikaw o isang kilala mo ay may problema sa pagsusugal, ang unang hakbang tungo sa pagbangon ay ang paghingi ng tulong. Narito ang mga organisasyong nagbibigay ng tulong na ito:

Mga Mapagkukunan para sa Pagbangon

1-800-GAMBLER (1-800-426-2537)

Mag-text "SUPPORT" sa 53342 para sa mas maraming impotmasyon tungkol sa problemang pagkalulong sa sugal. Nalalapat ang mga normal na singil sa text messaging.

1-855-222-5542 (1-855-2-Call-GA)

Responsible Gaming Award ng The World Lottery Association

Noong Pebrero 2015, ang California State Lottery ay naging unang Lottery sa bansa na nakatanggap ng World Lottery Association (WLA) Responsible Gaming Level Four Certification. Ito ang pinakamataas na antas ng kinikilalang internasyonal na sertipikasyon para sa responsableng paglalaro. Noong 2021, pinarangalan kaming makatanggap ng level four recertification.

Ang WLA, ang pandaigdigang awtoridad sa negosyo ng lottery, ay binubuo ng mga lottery na awtorisado ng estado at mga organisasyon sa paglalaro mula sa higit sa 80 bansa sa 6 na kontinente. Binabalangkas ng Responsible Gaming Principles at Framework Certification Program nito ang antas ng panata ng mga lottery sa responsibilidad ng kompanya sa lipunan at sa responsableng paglalaro. Ang layunin nito ay protektahan ang mga manlalaro ng lottery at tiyakin na ang mga kinikita ay ginagamit para sa kapakanan ng publiko.

I-download ang WLA Responsible Gaming Level Four Certification (PDF)