
Maging isang Retailer
Maging bahagi ng isang panalong team
MAGING ISANG RETAILER
Ang bawat retailer ng California State Lottery ay gumaganap ng mahalagang bahagi sa aming misyon: para magbigay ng karagdagang pondo na pakikinabangan ng pampublikong edukasyon. Sa pakikipagsosyo sa mga retailer na tulad mo, nagbigay kami ng humigit-kumulang $46 bilyon sa mga pampublikong paaralan at kolehiyo ng California mula nang ibenta ang aming unang Scratchers® ticket noong 1985.
Kasama ng pagtulong sa mga mag-aaral, pinahuhusay ng mga retailer ng Lottery ang negosyo sa kapana-panabik, at masayang paraan. Madali rin na maging isang retailer, dahil tutulungan ka ng mga lokal na kinatawan namin sa bawat hakbang. Humiling ng pagsusuringayon at makikipag-ugnayan kami sa iyo sa loob ng 10 araw ng negosyo.
Mula nang magsimula ang Lottery noong 1985, kumita ang mga retailer ng higit sa $9.8 bilyon sa mga komisyon at bonus. Bukod sa mga regular na komisyon sa Lottery sa mga ticket na ibinebenta at na-redeem mo, kapag nanalo ng malaki ang mga customer mo, mananalo ka rin. Iyon ay dahil magkakaroon ka ng pagkakataong kumita ng kalahating porsiyento sa bawat Scratchers, Mega Millions® at Powerball® ticket na mabebenta mo na may pinakamataas na premyo na $1 milyon o higit pa. Basahin ang Retailer Incentives para malaman ang lahat ng masasayang paraan na maaari kang makakuha ng mga komisyon at bonus sa Lottery.
Makikinabang ka rin sa lahat ng paraang ito:
-
Nakatutulong ang mga Jackpot frenzy at mga bagong tool sa marketing na humimok ng traffic papunta sa tindahan mo.
-
Nagbibigay ang mga bago at kapana-panabik na larong Scratchers bawat buwan sa mga customer ng dahilan para patuloy na bumalik.
-
Ipinapakita sa mga pag-aaral na sa bawat $5 na transaksiyon sa Lottery, gumagastos ang mga manlalaro ng karagdagang $10 sa tindahan.
-
Nagbibigay ang Lottery ng hanggang 50 araw na net financing sa mga produkto ng Scratchers
Mga tunay na kasosyo sa negosyo ang tingin ng Lottery sa mga retailer namin. Iyon ang dahilan kung bakit lumikha kami ng isang network ng mga kinatawan para gabayan ang iyong tagumpay mula sa unang araw. Tutulungan ka ng iyong District Recruiter sa proseso ng aplikasyon, ang iyong District Sales Representative ay naroroon para sa pagkontrol ng imbentaryo at mga materyales sa marketing at ang iyong Lottery Ticket Sales Specialist ay tutulungan kang mag-activate at mag-order ng mga bagong laro ng Scratchers.
Nagbibigay sa iyo ang aming Lottery Retailer Portal ng:
-
Mga trend sa benta.
-
Data kung aling mga larong Scratchers ang pinakamabenta sa iyong tindahan.
-
Ang susunod na total ng invoice mo.
-
Mga ulat sa pagbebenta na inihatid sa pamamagitan ng email sa pamamagitan ng feature na report subscription.
-
Mga real time na alerto para malaman mo kaagad, mula saanman sa mundo, kung ano ang nangyayari sa loob ng iyong retail establishment.
-
Isang maginhawang paraan para mag-print ng mga karatula ng jackpot at mga polyetong pangkabatiran ng panalo.
-
Madadaling paraan para ibahagi ang mga mensahe ng jackpot at winner sa Facebook at Instagram
Mga Dati nang Retailer: I-access ang Retailer Portal