Isang lalaki na may masayang expresyon at may teleponong hawak.

Paano i-claim
ang premyo mo

PANALO KA. I-CLAIM ANG PREMYO MO!

Congrats sa panalo! Ang pinakamabilis na paraan para ma-claim ang mga premyo na $600 pataas ay sa Lottery District Office. Ang mga Lottery District Office ay bukas Lunes hanggang Biyernes 8 a.m. hanggang 5 p.m. para tumanggap ng mga form ng claim. Hindi kinakailangan ng appointment. Ang mauunang darating ang mauunang makakatanggap ng tulong.

Puwede ring magpaproseso ng tseke ng mga na-claim na premyo na $600 hanggang $1,000 sa parehong araw sa bawat lokasyon ng opisina sa distrito hanggang 4:30 p.m. gamit ang valid at hindi expired na photo ID na mula sa gobyerno.

Iniisip mo ba kung ano ang status ng claim at pagbabayad ng premyo mo? Isumite ang tanong mo gamit ang page na Makipag-ugnayan sa Amin o mag-email sa customerservice@calottery.com para sa pinakamabilis na sagot. Tingnan ang iba't ibang opsyon sa ibaba para sa pag-claim ng premyo mo at mga Karaniwang Error sa Pag-claim na puwedeng makaantala sa pagproseso.

Ang kasalukuyang tagal ng pagproseso ng mga claim na walang error ay 4 hanggang 6 na linggo. 

Proseso ng Pag-claim para sa $599 at Mas Mababa Pa

May tatlong paraan para ma-claim ang mga premyo na $599 at mas mababa pa: bumisita sa isang retailer ng Lottery, mag-claim sa isang Lottery District Office o mag-claim sa pamamagitan ng koreo.

Opsiyon 1: Bumisita sa isang Lottery RetailerPinakamahusay na Opsiyon!

Dalhin ang iyong nanalong ticket sa isang retailer ng Lottery at bibigyan ka ng clerk ng cash doon mismo. Pag-usapan ang madali!


Opsiyon 2: Mag-claim sa Inyong Lokal na California Lottery District Office

Bukas na ngayon sa publiko ang mga Lottery District Office para sa pagtanggap ng mga claim. Ipinatupad ang mga proseso sa lahat na District Office para mai-maximize ang kalusugan at kaligtasan para sa lahat. Tingnan ang lahat na lokasyon ng District Office dito.

Para i-claim, download the Claim Form (PDF)o kumuha ng isa sa alinmang lokasyon ng Lottery retail o District Office. Punan at lagdaan ang claim form, at huwag kalimutang lagdaan din ang iyong nanalong ticket! Panoorin ang maikling video na ito para matiyak na mapupunan mo nang wasto ang claim form mo. 


Para sa personal na serbisyo sa window:

  • Sundin ang mga tagubilin sa itaas para sa pagpuno ng claim form mo.
  • Magtabi ng kopya o larawan ng claim form at ng harap at likod ng iyong nanalong ticket para sa iyong mga talaan.
  • Magdala ng kasalukuyang pagkakakilanlan (State ID card, lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, atbp.).

Maghanda para sa pagbisita mo sa mga Lottery District Office sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng lokal na rekisito sa kalusugan at kaligtasan.

 

Opsiyon 3:
Ipadala sa koreo ang Panalong Ticket at Claim Form Mo

Download the Claim Form (PDF) o kumuha ng isa sa alinmang lokasyon ng Lottery retail o District Office. Punan at lagdaan ang claim form, at huwag kalimutang lagdaan ang nanalong ticket mo.  Panoorin ang maikling video na ito para matiyak na mapupunan mo nang wasto ang claim form mo. Ipakoreo ang orihinal na ticket at nilagdaan na claim form (kasama ng Claim Authorization Receipt mula sa isang retailer, kun gmayroon ka nito) sa:

Mailing address lang:

California Lottery
730 North 10th Street
Sacramento, CA 95811

*Pakitandaan para sa claim drop-off at mga pagkakataon para sa parehong araw na pagsusuri, huminto sa isang lokal na California Lottery District Office. Makahahanap ka ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan at lokasyon para sa lahat ng District Office dito.


Inirerekomenda naming ipadala ang lahat sa pamamagitan ng certified mail at pag-save isang kopya ng bawat item na iyong isusumite. Hindi kami mananagot para sa mga liham, mga ticket o mga form ng pag-claim na nahuli, nawala, nasira, naligaw, nagkamali ng address, hindi kumpleto o hindi mabasa. Kaya, protektahan ang iyong premyo sa pamamagitan ng pagtabi ng kopya ng iyong nanalong ticket at claim form. At laging lagdaan ang likod ng iyong ticket.

Ang iyong ticket sa laro ng draw ay dapat na naka-postmark o natanggap ng mga opisina ng Lottery sa loob ng 180 araw ng petsa ng panalong draw, maliban na, sa kaso ng Mega Millions at Powerball Jackpots, ang mga ticket ay dapat na naka-postmark o natanggap sa loob ng isang taon mula sa petsa ng panalong draw. Ang mga Scratchers® na ticket ay dapat na naka-postmark o natanggap ng mga opisina ng Lottery sa loob ng 180 araw mula sa inanunsiyo na petsa ng pagtatapos ng laro.

Ipinagbabawal ng batas ng estado ang pagbenta ng ticket sa Lottery o ang pagbayad ng premyo sa sinumang wala pang 18 taong gulang. Walang bisa ang mga ticket na hindi papasa sa pag-validate.

Ang lahat ng ticket sa laro ng California State Lottery, mga transaksiyon, mga claim at mga pagbayad ng premyo ay napapailalim sa batas ng Estado ng California at mga tuntunin at regulasyon ng California State Lottery. Sa pamamagitan ng paglahok, sumasang-ayon kang susundin ang lahat na batas at mga tuntunin at regulasyon sa Lottery.

Proseso sa Pag-claim ng $600 at Mas Mataas Pa

Nararapat ang mga premyo na $1,000 o mas mababa pa para sa parehong araw na pagbabayad sa aming Mga District Office mula 8 am hanggang 4:30 pm gamit ang balido, at hindi paso na photo ID na mula sa gobyerno. Pagkaraang mai-validate ang iyong ticket at maaprubahan ang iyong Claim Form, mayroon kang pagkakataon na makuha ang tseke mo agad-agad. Hindi ginagarantiyahan ang tseke sa parehong araw. Dapat na walang error ang lahat ng claim. Ang ilang mga claim, kabilang ngunit hindi limitado sa mga premyo sa 2nd Chance, mga gawad na pang-promo, at mga premyong napanalunan sa mga advance na laro, ay maaaring hindi maging kwalipikado para sa parehong araw na pagbabayad at mangangailangan ng karagdagang pagproseso sa Lottery Headquarters.

Kunin ang Mga Detalye

 

Ang mga premyo na lagpas sa $600 ay dapat mag-file ng claim form. Sundin lang ang mga simpleng hakbang na ito.


1. Kumuha ng Claim Form Mo

 

2. Isa Ka Bang Group Winner?

  • Single Player na Nagki-claim para sa isang Group – Premyo $600 hanggang $999,999:
  • Mga Panalo ng Grupo – $1 Milyon o higit pa:

     

    3. Ito ba ay isang Annuity Prize?

    Ang annuity ay isang premyong binabayaran nang hulugan sa loob ng maraming taon. Ang isamg Payment Election form ay dapat na saksihan ng isang kinatawan ng Lottery o notaryo. Piliin ang game sa ibaba para sa angkop na form na pupunan.
  • 4. Isumite ang Claim Mo

    May ilang opsiyon para sa pag-claim ng mga premyo na $600 at mas mataas pa.

     

    Mag-claim sa Inyong Lokal na California Lottery District Office

    Bukas sa publiko ang mga Lottery District Office para sa mga personal na serbiyso.  Ipinatupad ang mga proseso sa lahat na District Office para mai-maximize ang kalusugan at kaligtasan para sa lahat. Tingnan ang lahat na lokasyon ng District Office dito.

    Para sa personal na serbisyo sa window: 

    • Sundin ang mga hakbang sa itaas para sa pagpuno sa claim form mo.
    • Maaaring magpadala ng isang kinatawan ang mga grupo na nagki-claim ng mga premyo pero kailangang magdala ng kinatawan ng mga napunan na form para sa lahat na miyembro ng grupo.
    • Magtabi ng kopya o larawan ng claim form at ng harap at likod ng iyong nanalong ticket para sa iyong mga talaan.
    • Magdala ng kasalukuyang pagkakakilanlan (State ID card, lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, atbp.)
    • Maghanda para sa pagbisita mo sa mga Lottery District Office sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng lokal na rekisito sa kalusugan at kaligtasan.

     

    - O - Ipadala sa koreo ang Panalong Ticket at Claim Form Mo

    Sundin ang mga hakbang sa itaas para sa pagpuno sa (mga) claim form mo. Ipakoreo ang orihinal na ticket at nilagdaan na claim form (kasama ng Claim Authorization Receipt mula sa isang retailer, kung mayroon ka nito) sa:

    Mailing address lang:

    California State Lottery
    730 North 10th Street
    Sacramento, CA 95811

    *Pakitandaan para sa claim drop-off at mga pagkakataon para sa parehong araw na pagsusuri, huminto sa isang lokal na California Lottery District Office. Makahahanap ka ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan at lokasyon para sa lahat ng District Office dito.


    Inirerekomenda naming ipadala ang lahat sa pamamagitan ng certified mail at pag-save isang kopya ng bawat item na iyong isusumite. Hindi kami mananagot para sa mga liham, mga ticket o mga form ng pag-claim na nahuli, nawala, nasira, naligaw, nagkamali ng address, hindi kumpleto o hindi mabasa. Kaya, protektahan ang iyong premyo sa pamamagitan ng pagtabi ng kopya ng iyong nanalong ticket at claim form. At laging lagdaan ang likod ng iyong ticket.

    Ang iyong ticket sa laro ng draw ay dapat na naka-postmark o natanggap ng mga opisina ng Lottery sa loob ng 180 araw ng petsa ng panalong draw, maliban na, sa kaso ng Mega Millions at Powerball Jackpots, ang mga ticket ay dapat na naka-postmark o natanggap sa loob ng isang taon mula sa petsa ng panalong draw. Ang mga Scratchers® na ticket ay dapat na naka-postmark o natanggap ng mga opisina ng Lottery sa loob ng 180 araw mula sa inanunsiyo na petsa ng pagtatapos ng laro.

    Ipinagbabawal ng batas ng estado ang pagbenta ng ticket sa Lottery o ang pagbayad ng premyo sa sinumang wala pang 18 taong gulang. Walang bisa ang mga ticket na hindi papasa sa pag-validate.

    Ang lahat ng ticket sa laro ng California State Lottery, mga transaksiyon, mga claim at mga pagbayad ng premyo ay napapailalim sa batas ng Estado ng California at mga tuntunin at regulasyon ng California State Lottery. Sa pamamagitan ng paglahok, sumasang-ayon kang susundin ang lahat na batas at mga tuntunin at regulasyon sa Lottery.

    Proseso sa Pag-claim ng 2nd Chance

    Madali lang i-claim ang premyo mo sa 2nd Chance. Sundin lang ang 4 na simpleng hakbang.

    HAKBANG 1

    Aabisuhan ka ng Lottery sa pamamagitan ng email na mag-log in sa account mo para sa “importanteng impormasyon. Kapag nag-sign in ka sa Lottery account mo, makikita mo ang premyo mo at isang link papunta sa Claim Form ng 2nd Chance.

    HAKBANG 2

    I-download at i-print ang 2nd Chance Claim Form (PDF)

    HAKBANG 3

    Punan ang claim form, at huwag kalimutang lagdaan ito! Para malaman kung ano ang kakailanganin mo para mapunan ang form, tingnan ang My Account

    HAKBANG 4

    Magpasya kung paano nais na i-claim. May dalawang opsiyon sa pag-claim ng 2nd Chance na premyo mo: mag-claim sa isang Lottery District Office o mag-claim sa pamamagitan ng koreo.

    Opsiyon 1: Kunin sa inyong local na California Lottery District Office

    Bukas na ngayon sa publiko ang mga Lottery District Office para sa pagtanggap ng mga claim. Ipinatupad ang mga proseso sa lahat na District Office para mai-maximize ang kalusugan at kaligtasan para sa lahat. Tingnan ang lahat na lokasyon ng District Office dito

    Para sa personal na serbisyo sa window:[ 

    • Sundin ang mga hakbang sa itaas para sa pagpuno sa claim form mo.
    • Magtabi ng kopya o larawan ng claim form at ng harap at likod ng iyong nanalong ticket para sa iyong mga talaan.
    • Magdala ng kasalukuyang pagkakakilanlan (State ID card, lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, atbp.).

    Maghanda para sa pagbisita mo sa mga Lottery District Office sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng lokal na rekisito sa kalusugan at kaligtasan.

     

    Opsiyon 2: Ipadala sa koreo ang panalong ticket at claim form mo

    Sundin ang mga hakbang sa itaas para sa pagpuno sa (mga) claim form mo. Ipakoreo ang orihinal na ticket at nilagdaan na claim form (kasama ng Claim Authorization Receipt mula sa isang retailer, kung mayroon ka nito) sa:

    Mailing address lang:

    Attn: 2nd Chance Promotion
    California State Lottery
    730 North 10th Street 
    Sacramento, CA 95811

    Inirerekomenda naming ipadala ang lahat sa pamamagitan ng certified mail at pag-save isang kopya ng bawat item na iyong isusumite. Hindi kami mananagot para sa mga liham, mga ticket o mga form ng pag-claim na nahuli, nawala, nasira, naligaw, nagkamali ng address, hindi kumpleto o hindi mabasa. Kaya, protektahan ang iyong premyo sa pamamagitan ng pagtabi ng kopya ng iyong nanalong ticket at claim form. At laging lagdaan ang likod ng iyong ticket.

    Ang panahon ng pag-claim para sa mga premyo ay maaaring mag-iba ayon sa promo. Sumangguni sa partikular na Mga Panuntunan ng Promo para sa mga detalye.

    Ipinagbabawal ng batas ng estado ang pagbenta ng ticket sa Lottery o ang pagbayad ng premyo sa sinumang wala pang 18 taong gulang. Walang bisa ang mga ticket na hindi papasa sa pag-validate.

    Ang lahat ng ticket sa laro ng California State Lottery, mga transaksiyon, mga claim at mga pagbayad ng premyo ay napapailalim sa batas ng Estado ng California at mga tuntunin at regulasyon ng California State Lottery. Sa pamamagitan ng paglahok, sumasang-ayon kang susundin ang lahat na batas at mga tuntunin at regulasyon sa Lottery.

    Mga Karaniwang Error sa Pag-claim

    Maaaring maantala ng mga sumusunod na error ang pagproseso ng iyong claim. 
    • Panoorin itong maikling video para masiguradong kumpleto nang husto ang iyong claim form. 
    • Siguraduhing i-sign ang iyong claim form.Madalas nakakalimutan ng mga manlalaro na i-sign at lagyan ng petsa ang kanilang claim form na nagdudulot ng pagkaantala sa pagproseso.
    • Isama ang Iyong Petsa ng Kapanganakan. Kung ang iyong Petsa ng Kapanganakan ay hindi kasama, mas nakakapagtagal nang proceso dahil kakailanganin namin na mag-complete at submit ng panibago.
    • Nawawalang claim form.Hindi maproseso ng California Lottery ang anumang claim na hindi sinamahan ng isang napunan, nababasa at tumpak na claim form.
    • Isiguradong kumpleto at nababasa ang iyong address. Madalas nakakalimutan ng mga nagki-claim na isama ang mga numero ng apartment kapag pinupunan ang mga claim form.
    • Isama ang iyong (mga) signed ticket.  Madalas itong nakakalimutan isama sa (mga) ticket ng mga manlalaro. Tandaang i-complete at sign ang likod ng (mga) ticket.
    Kumuha ng Winner’s Handbook

    Hindi lang kapana-panabik ang manalo — nakakapagbagong buhay din ito. Kaya naming sinulat ang libro kung paano pumanalo ng malaki. Para sa mga sagot tungkol sa mga pagbabayad, buwis, pagpaplano ng ari-arian, pagsisiwalat sa publiko, pamamahala ng pera at iba pa, i-download ang Winner's Handbook (PDF).

    Sundan kami sa social

    Maging bahagi ng komunidad.

    Facebook » Instagram » YouTube »

    Sino-sino ang Nakikinabang

    Ang mga pondo ng lottery ay nagbibigay ng karagdagang pondo para sa pampublikong edukasyon ng California.