Mga FAQ

Saan napupunta ang perang ginagastos ko sa mga laro sa Lottery?

Nobenta’y-singko sentimos ng bawat dolyar na ginagastos sa mga Lottery game ang bumabalik sa komunidad sa pamamagitan ng mga kontribusyon sa mga pampublikong paaralan at kolehiyo, mga premyo, at kabayaran sa pagbebenta. Makita kung paanong nakagagawa ng kaibahan ang mga pondo ng Lottery sa page na Sino-sino ang Nakikinabang.

Makabibili ba ako ng mga ticket ng Lottery online o sa pamamagitan ng koreo?
Hindi. Bumili ng mga produkto ng Lottery sa pamamagitan lang ng mga awtorisadong lokasyon ng retailer ng Lottery. Ang mga reseller ng ticket ng Lottery na naka-base sa app ay hindi pinapahintulutang mag-operate sa California. Ang pagbebenta ng mga ticket ng California Lottery sa pamamagitan ng koreo, online o sa pamamagitan ng mobile application ay ilegal. Ang sinumang bibili ng mga tiket nila sa pamamagitan ng isang digital na reseller ay hindi kwalipikadong manalo.
Kung nakatira ako sa labas ng estado o sa ibang bansa, maaari pa rin ba akong bumili at maglaro ng mga laro ng California State Lottery?
Oo. Hindi mo kailangang maging residente ng California o mamamayan ng US para maglaro at manalo ng anumang Lottery Scratchers® o larong may draw, pero mabibili langa ang mga laro ng California Lottery mula sa isang retailer ng Lottery sa California.
Paano ko maki-claim ang premyo ko sa Lottery?

Kolektahin ang premyo mo na hanggang $599 sa alinmang kalahok na lokasyon ng retail ng Lottery.

Klektahin ang premyo na lagpas sa $599 sa alinmang Lottery District Office o sa pamamagitan ng koreo. Dalhin ang panalong ticket at pinunan na Claim Form sa isang District Office. Kunin ang Claim Form sa alinmang Lottery retail location o District Office, or download the form (PDF)

Ang parehong araw na pagpoproseso ng tseke ng mga premyo ng claim na $600 hanggang $1,000 ay makukuha din sa bawat lokasyon ng district office hanggang 4:30 pm gamit ang balido, hindi paso na photo ID na bigay ng gobyerno.

Para sa mga premyo sa 2nd Chance, mayroong ibang Claim Form, na maaari mong i-download sa2nd Chance Claim form (PDF).

Kung mayroon kang Claim Authorization Receipt mula sa isang retailer, isumite rin iyon. Inirerekomenda namin ang pagpadala ng claim form ticket at Claim Authorization Receipt (kung mayroon ka nito) sa pamamagitan ng certified mail, at magtabi ng kopya ng bawat item na iyong isusumite.

Kung magpapadala sa koreo, ipadala ang Mga Claim Form sa California State Lottery, 730 North 10th Street, Sacramento, CA 95811.

Para sa iyong 2nd Chance na premyo, ipadala ang iyong 2nd Chance Winner Claim Form sa California State Lottery, Attn: 2nd Chance Promotion, 700 North 10th Street MS: 2–2, Sacramento, CA 95811.

Pagkatapos maproseso ang Claim Form mo sa Lottery Headquarters sa Sacramento, makatatanggap ka ng tseke sa koreo sa loob ng 4 hanggang 6 linggo.

Maaari ba akong hindi pangalanan kapag nanalo ako sa Lottery?
Ang California Lottery ay napapailalim sa mga batas sa pampublikong pagsisiwalat na nagbibigay-daan sa pag-access sa ilang mga talaan ng pamahalaan. Ang buong pangalan mo, ang pangalan at lokasyon ng retailer na nagbenta sa iyo ng nanalong tiket, ang petsa na nanalo ka at ang halaga ng iyong mga napanalunan, kasama ang iyong gross at net na hulugang kabayararan, ay mga usaping pampublikong tala at sasailalim sa pagsiwalat. Hindi isisiwalat ng Lottery ang anumang iba pang personal o nakatutukoy na impormasyon nang walang pahintulot mo maliban kung legal na kinakailangan na gawin ito.
Ibabahagi ba ng Lottery ang personal na impormasyon ko sa sinumang third-party na kompanya?
Lubhang napakahalaga ng privacy mo para sa Lottery, at bagamang pampublikong tala ang pangalan mo, hindi namin isisiwalat ang anumang iba pang personal o nakatutukoy na impormasyon nang walang pahintulot mo maliban kung legal na kinakailangan na gawin ito. Alamin pa sa pamamagitan ng pagbasa sa aming Patakaran sa Privacy.
Nabubuwisan ba ang mga premyo ko sa lottery?

Oo. Kinakailangan ng Lottery na mag-withhold ng mga pederal na buwis mula sa iyong premyo.

Tandaan na ang mga pederal na buwis ay maaaring magbago. Ang mga buwis na pang-estado at lokal ay hindi iwi-withhold sa iyong mga premyo mo sa lottery, ngunit maaari ka pa ring managot para sa anumang mga buwis sa personal na kinita ng estado at lokal ng California. Matutulungan ka ng isang propesyonal na tagapayo sa buwis na matukoy ang kabuuang pananagutan mo sa buwis.

Nag-sign up ako para sa isang Lottery account, kaya bakit hindi ako makakapasok sa mga 2nd Chance draw?
Tanging mga na-verify na account lang na nakumpirma ang kanilang email ang maaaring magsumite ng mga code. Para i-activate ang na-verify na account mo, kailangang kumpirmahin ng Lottery ang iyong email address. Hanapin lang ang email ng pag-verify ng Lottery sa inbox mo at sundin ang mga simpleng tagubilin.
Wala ang email ng pag-verify ng Lottery sa inbox ko. Ano nang gagawin ko?
Kung hindi mo nakikita ang email ng pag-verify ng Lottery, tingnan sa junk/spam folder mo. Idagdag kami sa lista ng mga ligtas na nagpapadala para hindi ito mangyari sa hinaharap.
Ano ang isang na-verify na account?

Para matiyak ang integridad ng account mo, gumagamit ang Lottery ng teknolohiya sa pag-verify ng edad/pagkakakilanlan para i-validate ang iyong impormasyon. Para makalahok sa mga benepisyo ng nakarehistrong manlalaro tulad ng 2nd Chance at Jackpot Captain at kumpirmahin ang iyong pagka-nararapat na manalo ng isang promotional o 2nd Chance na premyo, dapat ibigay ng mga manlalaro ang sumusunod na impormasyon:

  • Buong legal na pangalan (pangalan at apelyido)
  • Balidong address sa California (kabilang ang lungsod, estado at zip code)
  • Petsa ng kapanganakan (para matiyak na ikaw ay 18 o mas matanda at maaaring legal na maglaro ng Lottery)

Patakaran ng Lottery na limitahan ang pagkolekta ng personal na impormasyon at protektahan ang personal na impormasyon na kinokolekta at nasa pag-iingat namin.

Paano ko ia-update ang email address ko o iba pang personal na impormasyon?
Mag-sign in lang at pumunta sa "Profile Ko." Pagkatapos mong i-update ang impormasyon mo, pindutin lang ang “I-save.” Kung ia-update mo ang email address mo, papadalhan ka ng Lottery ng verification email. Kung hindi mo ito nakikita sa inbox mo, tingnan sa iyong junk/spam folder. Idagdag kami sa lista ng mga ligtas na nagpapadala para hindi ito mangyari sa hinaharap.
Paano ko masususpindi o matatanggal ang aking Lottery account?

Mayroon kang dalawang opsiyon: Suspindihin ang account mo, o tanggalin ang account mo.

  • Suspindihin - Masususpindi ang account mo, pero mananatili ang impormasyon mo sa profile - para maaari mong i-activate muli ang account mo kahit kailan mo naisin.
  • Tanggalin - Aalisin ang lahat na impormasyon mo mula sa aming database. Matatanggal din ang mga isinumite mong aktibong 2nd Chance draw. Kapag gusto mong bumalik sa Lottery, kakailanganin mong lumikha ng bagong account.

Mag-sign in, pumunta sa "My Profile," piliin ang button na "I-edit ang Profile Ko", pagkatapos ay piliin ang link para sa "Suspindihin/Tanggalin ang Aking Account." Sundin ang mga opsiyon para sa pagsuspindi o pagtanggal ng iyong account.

Tandaan na kung tatanggalin mo ang iyong account habang mayroon kang aktibong mga entry sa 2nd Chance, tatanggalin ang iyong mga entry kasama ng lahat ng iba pang impormasyon ng iyong account.

Paano ko muling maa-activate ang aking Lottery account?

Kung sinuspindi mo ang iyong Lottery account at gusto mo itong i-activate muli, pumunta lang sa page na “Mag-sign In” at ilagay ang email address at password na nauugnay sa iyong Lottery account, pagkatapos ay sundin ang mga prompt.

Tandaan na kung tinanggal mo ang iyong account, tinanggal ang lahat na impormasyon ng iyong account. Kakailanganin mong lumikha ng bagong Lottery account.

Paano ako maghain ng reklamo tungkol sa isang retailer ng Lottery?

Tawagan ang Security & Law Enforcement Division ng Lottery nang toll-free sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379) at ibigay ang:

  • Pangalan ng retailer, ID number at/o address
  • Petsa at oras ng insidente
  • Paglalarawan sa nangyari

Magbubukas ng isang ulat ng insidente sa seguridad at, depende sa sitwasyon, gagawa ng karagdagang aksiyon ang Lottery.

Paano kung sa tingin ko ay maling halaga ng Lottery ang ibinayad sa akin?

Kung sa pakiramdam mo’y hindi ka binayaran nang tama para sa (mga) Lottery ticket mo, makipag-ugnayan sa Security & Law Enforcement Division ng Lottery nang toll-free sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379) sa lalong madaling panahon at ibigay ang:

  • Pangalan ng retailer, ID number at/o address kung saan mo binili at/o na-redeem ang iyong ticket
  • Petsa at oras ng insidente
  • Impormasyon ng ticket
  • Halagang ibinayad sa iyo
Aling browser ang pinakamahusay na gumagana sa bagong website?
Inirerekomenda namin ang paggamit sa mga pinakabagong bersiyon ng Chrome o Safari sa iyong desktop, laptop o mobile device (na may pinakabagong mobile operating system). Habang maaaring gumana ang iba, maaaring hindi kanais-nais ang maging karanasan mo kaya isaalang-alang ang pag-update ng browser mo.