RESPONSABLENG PAGLALARO
Isang Panata sa Responsableng Paglalaro
Bilang miyembro ng pandaigdigang industriya ng lottery, may mahabang kasaysayan ang Lottery ng pagiging malakas na tagasuporta at tagapagtaguyod ng responsableng paglalaro. Panata namin ang pinakamataas na pamantayan ng responsableng paglalaro para maiwasan ang problema sa pagsusugal, na maaaring masama ang maging epekto sa mga indibidwal at sa kani-kanilang mga pamilya.
Naglalaan ang Lottery ng malaking halaga at oras ng tauhan para:
-
Mas mahusay na maunawaan at suportahan ang responsableng paglalaro
-
Magdala ng kamalayan sa seryosong usapin ng problema sa pagsusugal
-
Hikayatin ang mga player na maglaro nang responsable at pasok sa kanilang mga budget
-
Sumangguni sa mga apektado ng problema sa pagsusugal sa libre at lihim na paggamot ng Office of Problem Gambling, ng California Department of Public Health.
Makikita ang mga mensahe ng responsableng paglalaro sa pamamagitan ng mga communication channel ng Lottery at sa pamamagitan ng pagbenta ng aming mga produkto. Bilang patunay sa aming pangako, ang CA State Lottery ay ang unang lottery sa United States na nakatanggap ng pinakamataas na sertipikasyon para sa mga responsableng programa sa paglalaro mula sa World Lottery Association.
Sinimulan ng Lottery ang unang problem gambling hotline sa California, at patuloy naming sinusuportahan ang Office of Problem Gambling sa California at partial na pinopondohan ang Problem Gambling Helpline (1-800-GAMBLER).
Kodigo ng Pagkilos sa Responsableng Pagsusugal
Nangangako ang Lottery na kami, at ang mga empleyado namin ay patuloy na isasama ang mga prinsipyo ng responsableng pagsusugal sa mga pang-araw-araw na operasyon at mga produkto para mapataas ang kamalayan ng mga mamimili tungkol sa problemang pagsusugal at mga napapahintulutang mapagkukunan ng California Problem Gambling Helpline, 1-800-GAMBLER.
Mga Responsableng Kasanayan sa Paglalaro Sa Mga Operasyon
-
Ang Lottery ay maglalagay ng mga mensahe at babala sa mga manlalaro upang makatulong na mabawasan at maiwasan ang problema sa pagsusugal.
-
Gagawin ng Lottery na nakahanda ang impormasyon at mga mapagkukunan para sa problema sa pagsusugal sa mga website at social media nito para sa mga problemang sugarol at mga apektadong indibidwal.
- Isusulong ng lahat na produkto at payslip ng Lottery ang toll-free na Problem Gambling Helpline (1-800-GAMBLER) at mga mensaheng maglaro nang responsable.
Pagsasanay sa Empleyado
-
Magbibigay ang Lottery ng nagpapatuloy na pagsasanay sa lahat na empleyado para mapataas ang kamalayan sa problema sa pagsusugal at mg amapagkukunan ng pagappagamot.
-
Papataasin ng Lottery ang pag-unawa ng mga empleyado at ang kanilang tungkulin sa pagpapasulong ng responsableng pagsisikap sa paglalaro, mga programa, at mga kaugnay na proseso ng Lottery.
Mga Retailer ng Lottery
-
Patataasin ng Lottery ang kamalayan sa responsableng paglalaro sa pamamagitan ng pagsasanay sa retailer.
-
Magbibigay ang Lottery sa mga retailer ng mensahe nito para sa responsableng paglalaro, magbibigayng angkop na mga karatula sa point-of-sale, at papanatilihin silang nakababatid sa kanilang ginagampanan sa pagsisikap na ito kung kailangan.
- Magbibigay ang Lottery at pupunan ang retailer network ng mga brochure sa Pamatnubay sa Responsableng Paglalaro at mga kaugnay na lathala.
Pagpigil sa Ilegal na Paglalaro
-
Magsasagawa ang Security and Law Enforcement Division (SLED) ng CA Lottery ng mga operasyon para matiyak na ang mga produkto ng Lottery ay nabebenta lang sa mga indibidwal na 18 taon o mas matanda pa.
- May hadlang sa edad ang mga social media website at mga promo sa microsite ng Lottery para hingin sa mga user na i-verify na 18 taon gulang man lang sila.
Pagprotekta at Pagbigay Edukasyon sa mga Mamimili Namin
-
Gagawing nakahanda para sa publiko ng Lottery ang impormasyon ng laro, kabilang ang panglahatang tinatayang posibilidad na manalo at impormasyon sa premyo, kung naaangkop, para sa lahat na produkto ng Lottery.
-
Lilimitahan ng Lottery ang mga pagsumite para sa lahat na laro ng 2nd Chance, para mapigilan ang problemang pagsusugal, makatulong na magtakda ng patas na laro para sa mga mamimili, at itaguyod ang integridad ng lahat na laro at draw ng Lottery.
Pag-develop ng Laro
- Magsasama ang Lottery ng mga panloob na proseso ng kontrol na kabilang ang pagsasaalang-alang sa responsableng paglalaro sa pagrepaso nito sa disenyo ng mga bagong laro.
Responsableng Pag-advertise
-
Tatalima ang Lottery sa mahibpit na patakaran sa pagsasagawa ng advertising nito sa paraang pinaka-propesyunal at may responsibilidad sa lipunan para matiyak na hindi tatargetiung ang mga menor-de-edad (wala pang 18 taon gulang) sa mga mensahe ng pagbebenta.
-
Susundin ng Lottery ang Advertising and Marketing Communications Code of Ethics ng CA Lottery at ang North American Association of State and Provincial Lotteries (NASPL) advertising standards.
- Isasama ng Lottery ang mga mensaheng “Play Responsibly” at “Must be 18 years or older to purchase, play or claim a prize” sa advertising ng produktogaya ng naaangkop.
Pakikipag-usap sa Stakeholder
- Magpapanatili ang Lottery ng magandang ugnayan sa Office of Problem Gambling (OPG) ng California at iba pang mga stakeholder sa responsableng paglalaro para magparating ng kabatiran sa problema sa pagsusugal at isusulong ang Problem Gambling Helpline.