PATAKARAN SA PRIVACY

Prinoprotektahan namin ang personal na impormasyon mo.

Panata ng California State Lottery (“Lottery”) naprotektahan ang mga karapatan mo sa privacy. Patakaran ng Lottery na limitahan at bantayan ang pagkolekta at pag-ingat sa personal na impormasyon mo. Inilalarawan ng Patakaran na ito ang mga kagawian ng California State Lottery kaugnay ng impormasyon na kinokolekta mula sa mga user sa www.calottery.com website na binubuo ng isang pangunahidomain, sub-domain at mga microsite (“Website”) at mga mobile application ng California State Lottery (pinagsama-sama kasama ang Website, “Mga Serbisyo”).

 

Tumatalima ang mga kagawian sa pamamahala ng impormasyon ng Lottery sa mga rekisito ng Information Practices Act (California Civil Code seksiyon 1798 et seq.), sa California Public Records Act (California Government Code seksiyon 6250 et seq.), sa California Government Code mga seksiyon na 11015.5 at 11019.9, California Business & Professions Code mga seksiyon na 22575-22579, at iba pang mga batas na nauukol sa privacy ng impormasyon na naaangkop sa mga ahensya ng estado.

 

Gumagamit ang Lottery ng personal na impormasyon para lang sa mga layuning naaayon sa Patakaran sa Privacy na ito at samga tuntunin ng serbisyo.

May mga link ang patakarang ito sa mga third-party na site na pinaniniwalaan ng Lottery na maaaring maging kapaki-pakinabang sa iyo at maaaring magbigay ng iba't ibang mga serbisyo. Kapag nag-link ka sa ibang site, hindi mo na ginagamit ang Website at Mga Serbisyo ng Lottery at sasailalim na sa patakaran sa privacy ng bagong site.

Mga Kagawian sa Pagkolekta at Paggamit:

Kinokolekta ng Lottery ng personal na impormasyon mula sa mga indibidwal nang naaayon lamang sa pinapayagan ng batas at kasama ang kanilang malinaw na pahintulot kung kinakailangan. Nililimitahan ng Lottery ang pagkolekta ng personal na impormasyon sa kung ano ang may-katuturan at kinakailangan upang maisakatuparan ang legal na layunin nito, gaya ng tinukoy sa California State Lottery Act. Halimbawa:

  • Maaaring kailangan ng Lottery ang address ng tahanan, email address o numero ng telepono ng isang indibidwal para masagot ang mga tanong ng taong iyon, magproseso ng claim form o magbigay ng ilang iba pang hiniling na tulong. 
  • Maaaring humingi ang Lottery ng impormasyon ng demograpiko kung saan maaaring kabilang ang: ZIP code, edad, kasarian, mga kagustuhan, mga interes at mga paborito para mai-personalize at mapabuti ang mga serbisyo nito. 
  • Maaaring humiling ang Lottery ng impormasyon tungkol sa mga personal na kagustuhan at interes ng isang indibidwal para mas maunawaan at mapaghandaan ang mga pangangailangan niya. 


Impormasyon na Awtomatikong Kinokolekta

Hindi ipapamahagi o ibebenta ng Lottery ang anumang personal na impormasyon na kinolekta sa elektronikong paraan, gaya ng tinukoy sa Government Code section 11015.5(d), nang walang pahintulot mo. Hindi kumokolekta ang Lottery ng impormasyon ng address ng tahanan, negosyo o email o impormasyon ng account mula sa mga taong nagba-browse lang sa Mga Serbisyo ng Lottery, ngunit awtomatiko itong kumokolekta ng ilang impormasyon mula sa mga bisita gamit ang Mga Serbisyo kabilang ang domain name o Internet Protocol (IP) address na nauugnay sa device na ginamit para i-access ang Mga Serbisyo, ang uri ng browser at operating system na ginamit, at ang petsa at oras kung kailan ginagamit ang Mga Serbisyo. 

Maaari rin na awtomatikong kumolekta ang Lottery ng impormasyon tungkol sa iyong interaksiyon sa Mga Serbisyo. Halimbawa, maaari itong gumamit ng mga analytics tool sa Mga Serbisyo nito para kumuha ng impormasyon mula sa iyong browser, kabilang ang website na pinanggalingan mo, ang (mga) search engine at ang mga keyword na ginamit mo para mahanap ang Mga Serbisyo, ang mga pahinang tinitingnan mo sa loob ng Mga Serbisyo, ang iyong browser add-on at ang lapad at taas ng iyong browser. Hindi sasailalim sa pagsiwalat ang impormasyon na ito na awtomatikong kinokolekta sa ilalim ng California Public Records Act.

Maaaring gumamit ang Lottery ng mga naka-encrypt na "identifier" para makatulong sa pag-personalize ng online na karanasan mo at para kumolekta ng mga estadistika sa paggamit. Iniimbak ng mga identifier na ito ang paggamit mo sa site, mga kagustuhan at impormasyon ng user, na magpapadali sa pagpapatupad ng mga naka-personalize na serbisyo sa hinaharap. Ang mga identifier na ito ay:

Session Cookies – Ang mga cookie na ito ay pansamantala at mapapaso sa sandaling isara mo ang iyong browser (o kapag natapos na ang iyong session). Gumagamit ang Lottery ng mga cookie ng session kapag bumisita ka at naghahanap ng content na nagbibigay-kaalaman. Hindi nagtataglay ng impormasyon ng user ang mga cookie ng session, hindi magpapadala ng anumang personal na impormasyon sa Lottery at awtomatikong tatanggalin kapag nagsara ang window ng browser o sa loob ng 24 na oras, alinman ang mauna.

Persistent Cookies – Saklaw ng kategoryang ito ang lahat ng cookie na nananatili sa iyong hard drive hanggang sa burahin mo ang mga ito, o ng iyong browser, depende sa petsa ng pagkapaso ng cookie, na karaniwang hindi hihigit sa 12 buwan. Halimbawa, maaaring gumamit ang Lottery ng mga persistent cookie para kumolekta ng impormasyon sa setting ng wika o ihinto ang pagpapakita ng isang notification na kinilala ng user.

Access Tokens – Para ma-access ang ilang Serbisyo ng Lottery, tulad ng iyong Lottery 2nd Chance account, kakailanganin mong ibigay ang email address at password mo (mga kredensyal) para sa mga layunin ng pagpapatunay (pag-sign in). Pagkatapos ay itatalaga ang mga access token para sa mga balidong kredensyal sa pag-sign in at tatanggalin mula sa device mo kapag nag-sign out ka o paso na ang session mo. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga access token na ma-access ang mga serbisyo sa alinman sa website o mobile application nang hindi kinakailangang mag-sign in muli kapag lumipat ka sa pagitan ng mga page o screen.

Mobile Device ID – Ito ay isang natatanging identifier ng customer na ginagamit para matukoy ang isang mobile device mula sa isang bot. Maaaring ito ay isang IDFA (Identifier for Advertisers) o isang Android Ad Id na magsasagawa ng Rate Limiting, ngunit hindi ito isini-save o iniimbak ng Lottery at hindi magagamit para makilala ang isang user. 

Rate Limiting – Tool na madalas gamitin para mag-adya laban sa ikinakalat na denial-of-service (DDoS) na pag-atake sa level ng network at application. Kapag masyadong mataas ang bilang ng mga pumapasok na kahilingan para maasikaso ng network o application, inilalapat ang rate limiting para bawasan ang dami ng papasok na traffic. 

Bot – Ang isang Internet bot, web robot, robot o simpleng bot, ay isang software application na nagpapatakbo ng mga awtomatikong gawain sa Internet na maaaring gamitin ng mga mapanirang tao.

Ang mga beacon na kilala rin bilang Pixels – Ito ay maliliit na graphics na may natatanging identifier na ginagamit para subaybayan ang mga online na galaw ng isang web user. Hindi tulad ng mga cookie, ang mga web beacon ay naka-embed nang hindi nakikita sa mga web page.

Mga Third Party na Analytics

Pinapahintulutan ng Lottery ang mga third-party na analytics provider, gaya ng Google o Facebook Analytics, na gumamit ng mga cookie at mga di-pinangalanang identifier para kumolekta at magproseso ng ilang partikular na hindi personal na nakakapagpakilalang impormasyon. Halimbawa, maaaring kumolekta at magproseso ang Google Analytics ng impormasyon tulad ng kung gaano kadalas bumibisita ang mga user sa isang website o sa mobile application at, ano-anong mga page/screen ang binibisita, habang ang Facebook analytics ay maaaring gamitin para matiyak na ang advertising ay naka-target sa mga user na 18 taong gulang pataas. Nakatutulong sa amin ang data ng pagsubaybay na ito na mas maunawaan at masapatan ang mga pangangailangan ng mga bisita namin sa Mga Serbisyo. Kung mas gusto mong iwasan ang pagsubaybay ng third party, mapipili mong hindi gamitin ang cookie ng pagsubaybay sa advertising ng Google sa pamamagitan ng pagbisita sa URL na: https://policies.google.com/technologies/ads at/o gumamit ng browser plugin para humindi sa lahat ng software sa pagsubaybay ng Google Analytics sa pamamagitan ng pagbisita sa URL na: https://tools.google.com/dlpage/gaoptout?hl=en.

Makikita ang Patakaran sa Data ng Facebook sa https://www.facebook.com/about/privacy/. Dagdag pa, para sa mas maraming impormasyon tungkol sa Facebook Business Tools maaari mo rin na bisitahin ang https://www.facebook.com/legal/terms/businesstools.  

Maaaring gumamit ang Lottery ng mga third-party na Software Development Kit (mga SDK) kasabay ng mobile application na pinagsasama ang data na nakolekta mula sa mobile application sa data mula sa iba pang mga mapagkukunan para magbigay ng mga naka-personalize na advertisement o para masukat ang husay ng advertising. Ang data na nakolekta sa ganitong paraan ay hindi pinangalanan sa amin, na nangangahulugang hindi namin makikita ang personal na data ng mga indibidwal na user; gayunpaman, ang data na ito ay isini-save at prinoproseso ng mga third party. Maikokonekta nila ang data na ito sa third-party na account mo at magagamit ito para sa kanilang sariling mga layunin sa advertising.

Kumokolekta ang Website ng Lottery ng hindi pinangalanang cross-site na data na naka-link sa device ng user sa pamamagitan ng isang persistent identifier. Maaari rin na gumamit ang mga third party ng isang persistent identifier para kumolekta ng di-pinangalanan na cross-site na data na naka-link sa device ng isang user. Hindi tumutugon ang Lottery sa mga signal na "do not track" o iba pang kahilingan na wakasan ang pagkolekta ng data na ito. 

Mga Kategorya ng Nakolektang Impormasyon

Maaari rin na kolektahin at iimbak ng Lottery ang ilan sa o lahat ng impormasyon na nakasaad sa ibaba na nagbibigay-daan sa iyong gamitin ang Mga Serbisyo at makatanggap ng impormasyon, mga produkto at serbisyo, at nagbibigay-daan sa Lottery na tumugon sa iyong mga katanungan o mga kahilingan para sa mga produkto at serbisyo:

  • Impormasyon ng Device: Maaaring awtomatikong kumolekta ng ilang partikular na impormasyon tungkol sa device mo ang Mga Serbisyo o third party analytical tool kapag nag-download ka, kumonekta sa o gumamit ng Mga Serbisyo. Maaaring kabilang sa naturang impormasyon ang uri ng device na ginagamit mo at impormasyon tungkol sa paraan ng paggamit mo sa Mga Serbisyo. Maaaring gamitin ng Lottery ang naturang impormasyon para patakbuhin at pahusayin ang Mga Serbisyo.
  • Impormasyon ng Ticket: Para matiyak ang integridad ng mga laro at promo sa Lottery, maaaring kumoleka at mag-imbak ang Lottery ng impormasyon tungkol sa mga code ng 2nd Chance at Check-A-Ticket na nai-scan o mano-manong ipinasok mo. Naka-link ang impormasyon ng 2nd Chance sa isang access token na kaugnay ng 2nd Chance account mo.
  • Pisikal na Lokasyon: Sa paggamit ng Mga Serbisyo, awtomatikong kinokolekta ng Lottery ang impormasyon tungkol sa tinatayang lokasyon mo sa pamamagitan ng iyong Internet Protocol address at/o paggamit ng mga serbisyo ng lokasyon. Kung papayag kang gumamit ng serbisyo sa lokasyon, mapipili mong humindi at bawiin ang pahintulot mo sa pagkolekta ng impormasyon sa lokasyon mo anumang oras sa pamamagitan ng hindi pagpapagana o pagbabago sa nauugnay na functionality o setting na ibinigay sa mga setting ng operating system na ginagamit ng iyong device. Maaaring gamitin at iimbak ng Lottery ang impormasyon na ito para magbigay ng mga hiniling na serbisyo sa lokasyon (hal., pagkakakilanlan ng mga kalapit na Retailer) at para maghatid ng mga pinahusay na serbisyong nakabatay sa lokasyon at iba pang content.
  • Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan: Maaari rin na magbigay sa iyo ang Lottery ng pagkakataong sumang-ayon na makatanggap ng mga espesyal na alok sa iyong wireless na telepono sa pamamagitan ng pagbigay ng iyong wireless na numero ng telepono. Nagpapahintulot ang Lottery sa isang user na ma-access ang mga feature sa loob ng Mga Serbisyo sa pamamagitan ng pagbigay ng kaniyang email. 

 

Ang Mga Karapatan Mosa Pag-access

Nagpapahintulot ang Lottery sa mga indibidwal na nagbigay ng personal na impormasyon na masuri ang impormasyong iyon at labanan ang katumpakan o pagkakumpleto nito. Mahihiling ng mga indibidwal na user na nakarehistro para gumamit ng mga serbisyo ng Lottery na tanggalin ang kanilang personal na impormasyon nang walang muling paggamit o pamamahagi. Maaaring tanggalin ng mga indibidwal na user ang kanilang data at personal na impormasyon sa pamamagitan ng pag-sign in sa Mobile App ng Lottery at pagpunta sa "Settings" sa menu o sa pamamagitan ng pag-sign in sa website ng Lottery at pagpunta sa page na "Edit My Profile". Maaalis ang data at pesonal na impormasyon ng mga gagamit sa mga paraang ito sa loob ng 48 oras. Para sa mga user na hindi matanggal ang kanilang impormasyon sa pamamagitan ng app o website, makipag-ugnayan sa Customer Service ng Lottery sa https://www.calottery.com/contact-us.   Maaaring humingi ang Lottery ng partikular na impormasyon mula sa iyo para makatulong sa amin na i-verify ang pagkakakilanlan mo at maproseso ang iyong kahilingan. Kung hindi namin mai-verify ang pagkakakilanlan mo, maaaring tanggihan namin ang hiniling mong pagtanggal. Maaaring abutin ang mga hiling na pagtanggal na isinumite sa Customer Service ng 45 araw ng negosyo o higit pa para maproseso.

Seguridad

Gumagamit ang Lottery ng mga pananggalang sa seguridad ng impormasyon at nagsasagawa ng mga makatuwirang pag-iingat para maprotektahan ang personal na impormasyon na nakolekta at/o nasa pag-iingat ng Lottery laban sa pagkawala, hindi awtorisadong pag-access, at ilegal na paggamit o pagsiwalat. Gumagamit ang Lottery ng software sa pag-encrypt para protektahan ang seguridad ng personal na impormasyon ng mga indibidwal sa panahon ng pagpapadala ng naturang impormasyon sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Lottery. Gumagawa rin ang Lottery ng mga makatwirang hakbang sa seguridad para maprotektahan ang personal na impormasyon mo sa imbakan. Nakapgsanay ang mga tauhan ng Lottery sa mga pamamaraan para sa pamamahala ng personal na impormasyon, kabilang ang mga limitasyon sa pagpapalabas ng impormasyon. Limitado ang pag-access sa personal na impormasyon sa mga miyembro ng kawanihan ng Lottery at mga kontratista na ang trabaho ay nangangailangan ng naturang pag-access. Nagsasagawa ang Lottery ng mga pagsusuri sa pana-panahon para matiyak na nauunawaan at sinusunod ang mga wastong patakaran at pamamaraan sa pamamahala ng impormasyon. Para ma-access ang ilang mga serbisyo ng Lottery, hihilingin sa iyon na mag-sign in gamit ang mga kredensyal mo o, sa ilang karagdagang mga kaso ng seguridad, maaaring hilingin sa iyong lumikha ng karagdagang security key. 

Para sa mas maraming impormasyon tungkol sa mga setting ng privacy online, naka-target na advertising, pagsubaybay sa online, pag-ayaw, o para lang suriin ang nai-update na gabay at mga mapagkukunan sa kung paano baguhin ang mga setting ng privacy at seguridad sa iba't ibang mga web browser, maaaring gusto mong suriin ang mga mapagkukunan ng privacy ng consumer na ibinigay ng ang California Office of the Attorney General sa URL na: https://oag.ca.gov/privacy/consumer-privacy-resources at sa Federal Trade Commission sa URL na: https://www.consumer.ftc.gov/articles/how-protect-your-privacy-online.

Sa pangkalahatan, hinihikayat ng Lottery ang lahat na indibidwal na gumamit ng mga angkop na pananggalang para ma-secure ang kani-kanilang mga device at impormasyon na nilalaman ng mga ito.

Mga Kagwian sa Pagbabahagi

Maaaring i-access, panatilihin at isiwalat ng Lottery ang impormasyon at content ng account mo, kabilang ang mga mensahe, data, teksto at iba pang uri ng mga gawa (pinagsama-samang, "Content"):

  • Bilang tugon sa isang kahilingan para sa impormasyon kung hinihingi ng anumang umiiral na batas ang pagsiwalat, legal na proseso, regulasyon o batay sa paniniwalang malinis ang hangarin na ang naturang pag-access, pangangalaga, o pagsiwalat ay makatwirang kinakailangan,
  • Para maibigay at mapabuti ang Mga Serbisyo namin,
  • Sa aming mga kontratista, subcontractor, affiliate, at iba pang mga third party para sa mga layunin ng marketing kabilang ang mga serbisyo sa pagsukat at mga naka-target na advertisement,
  • Bilang tugon sa paratang na nilalabag ng Content ang mga karapatan ng mga third party,
  • Bilang tugon sa mga katanungan mo, mga komento at kahilingan para sa serbisyo sa customer, o
  • Para protektahan ang mga karapatan, ari-arian o personal na kaligtasan ng Lottery, ng mga gumagamit nito at ng publiko.

Mga pagbabago sa Patakarang ito

Pinanghahawakan ng Lottery ang karapatan, sa sarili nitong kapasyahan, na baguhin ang patakaran sa privacy na ito anumang oras nang walang abiso. Lahat ng pagbabago ay magkakabisa sa oras ng pag-post. Kung sakaling ang pagbabago sa patakaran sa privacy na ito ay materyal na nagbabago sa mga karapatan o obligasyon mo, maaaring magsagawa ang Lottery ng mga makatuwirang pagsisikap na ipaalam sa iyo ang naturang pagbabago. Maaaring magbigay ng abiso ang Lottery sa pamamagitan ng isang pop-up o banner sa loob ng lahat na website at application na nauugnay sa Lottery, sa pamamagitan ng pagpadala ng email sa anumang address na maaaring ginamit mo sa pagrehistro para sa isang account, o sa pamamagitan ng iba pang mekanismo. Ang patuloy na paggamit mo ng Mga Serbisyo pagkatapos mai-post ang mga pagbabago ay bumubuo sa iyong pagtanggap sa mga pagbabagong iyon. Sumilip muli sa pana-panahon para sa mga pagbabago. 

Mga Kagustuhan sa Privacy

May kakayahan kang tanggapin o tanggihan ang mga cookie. Karamihan sa mga web browser ay awtomatikong tumatanggap ng mga cookies, pero maaari mong baguhin ang setting ng iyong browser para tanggihan ang mga cookies kung nais mo. Kung pipiliin mong tanggihan ang mga cookie, hindi ka makaka-sign in o makagagamit ng iba pang mga interactive na feature at serbisyong inaalok sa lugar ng mga manlalaro sa website ng Lottery.

Kung pipiliin mong tumanggap ng mga cookie, matatanggal mo rin ang mga cookie na tinanggap mo pagkatapos. Suriin ang browser mo para sa mga pinakabagong tagubilin. 

Nagbibigay din ang industriya ng online na advertising ng mga website kung saan mapipili mong umayaw sa pagtanggap ng mga naka-target na ad mula sa mga kompanyang lumalahok sa self-regulation ng industriya. Maa-access mo ang mga website na ito, at malalaman ang higit pa tungkol sa advertising na batay sa interes sa www.aboutads.info/choices at sa www.networkadvertising.org/choices. Tandaan: kailangan mong hiwalay na umayaw sa bawat device na ginagamit mo. Pipigilan lamang ng pag-ayaw ang mga advertisement na nakabatay sa interes o naka-target. Patuloy kang makakikita ng mga generic na advertisement pagkatapos mong umayaw.

Maaaring humiling ng mga serbisyo na tanggalin ang kanilang personal na impormasyon nang walang muling paggamit o pamamahagi.

Paano Makipag-ugnayan sa Amin

Kung kailangan mong silipin ang status ng claim mo sa lottery, may mga pangkalahatang tannong sa Lottery, may mga tanong tungkol o teknikal na problema na nauugnay sa iyong Second Chance account, makipag-ugnayan sa amin sa https://www.calottery.com/contact-us. 

Kung kailangan mong magsumite ng kahilingan sa California Public Records Act, mag-email sa PRACoordinator@calottery.com.

Magbibigay ang Lottery ng karagdagang impormasyon tungkol sa patakaran sa privacy na ito kung hihilingin. Kung may karagdagang tanong ang sinuman tungkol sa patakaran sa privacy ng Lottery, hinihikayat siyang makipag-ugnayan sa Privacy Officer ng Lottery sa pamamagitan ng:

Email:
privacy@calottery.com

Mail:
California State Lottery
Attention: Information Security and Privacy Officer
700 North 10th Street
Sacramento, CA 95811

Please Note: Huwag magsama ng anumang teksto, mga attachment, o mga larawan ng maselang impormasyon tulad ng numero ng pagkakakilanlan na ibinigay ng estado o pederal o numero ng lisensya sa pagmamaneho; pasaporte; numero ng social security; password ng account; petsa ng kapanganakan; numero ng bank account; o numero ng credit card sa iyong email o mga liham na ipinapadala sa Information Security and Privacy Office ng California State Lottery.

Petsa na Magkakabisa: Nobyembre 21, 2023