
Nakikinabang ang Mga Pampublikong Paaralan sa California
Ang misyon ng California Lottery ay makalikom ng pandagdag na pondo para sa pampublikong edukasyon.
Nakabuo ang Lottery ng higit sa $46 bilyon para sa mga pampublikong paaralan sa California mula nang magsimula kami noong 1985. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng California Lottery, nakalikom kami ng higit sa $2 bilyon para sa edukasyon noong 2023-2024 na Fiscal Year. Bagaman isa itong bilang na hindi pa kailanman nagawa, conserbatibong bilang lang ito para sa taunang budget ng estado para sa mga pampublikong paaralan. Tandaan na, inilaan ang mga pondo ng Lottery na maging pandagdag sa pampublikong edukasyon, hindi ang palitan ang pagpopondo ng estado o lokal.
Gayong hindi basta isinisiwalat ang mga pondong mula sa Lottery, nakatutulong ito sa mga paaralan na magawa ang mga hindi nila sana magagawa, kagaya ng paghikayat at pagpaapnatili sa mga mas de-kalidad na guro, pagbili ng state-of-the-art na kagamitan, pagpapahusay sa mga kaligiran ng pag-aaral, at pagpapanatiling tumatakbo ang mga kritikal na programa.
Hindi lang mga paaralan ang mga benepisyaryo namin! Alam mo ba na 95 sentimos ng bawat dolyar na ginagastos sa mga Lottery game ang bumabalik sa komunidad sa pamamagitan ng mga kontribusyon sa mga pampublikong paaralan at kolehiyo, mga premyo, at kabayaran sa pagbebenta? Salamat sa mga manlalaro namin at sa mga retail partner sa paggawa nitong lahat na posible!
Ang positibong epekto sa mga komunidad sa buong California ay bahagi lang ng panata namin sa responsibilidad ng kompanya sa lipunan, at ito rin ang panata ng bawag miyembro ng Lottery team.
Nakabatay ang pagpopondo sa Benta
Tinutukoy ng State Controller’s Office kung magkanong pondo ng Lottery ang inilalabas sa mga pampublikong institusyon sa edukasyon. Nakabatay ang pagpopondo ng Lottery sa Average Daily Attendance (ADA) para sa K-12 at mga community college school district at sa pamamagitan ng full-time na pagkaka-enroll para sa mas matataas na paaralan at iba pang specialized na institusyon.
Narito ang mga paaralan na nakatanggap ng mga ponso, kasama ng mga porsiyento ng natipong distribusyon:
GRADE LEVEL | PORSIYENTO NG DISTRIBUSYON |
---|---|
K-12th Grade | 79.9% |
Mga Community College | 14.0% |
California State University System | 3.7% |
University of California | 2.3% |
Iba pang Entidad na Pang-edukasyon | 0.1% |
Our Contribution to Education
See our most recent quarterly reports below:
- Q1 2024-25 Education Allocation (PDF)
- Q4 2023-24 Education Allocation (PDF)
- Q3 2023-24 Education Allocation (PDF)
- Q2 2023-24 Education Allocation (PDF)
How Schools Use Lottery Funds
Local and higher education administrators, along with elected school boards, decide how the Lottery funds are distributed and spent within their school systems. Schools make all spending decisions. The Lottery is never involved in these decisions. Some schools have used Lottery funds for computer labs, teacher workshops, and science programs, as well as art and music programs and much more. And each year, schools are free to use the funds for entirely different purposes.
See Lottery Funds in Action


Maging Responsable sa Paglalaro
Huwag hayaang maging problema ang pagsusugal.