ABISO SA PAGKOLEKTA, PAGGAMIT AT PAG-ACCESS NG INFO
Kinokolekta at ginagamit namin ang impormasyong ibinigay sa amin (sa form na ito, sa pamamagitan ng web page, sa pamamagitan ng web application o sa pamamagitan ng email) upang matiyak ang integridad ng aming mga promo at laro at magbigay ng payo, impormasyon, serbisyo at tulong. Awtorisado kami na kumolekta ng impormasyon para sa layuning ito sa pamamagitan ng seksiyon 8880 et seq. ng California Government Code. Inirerekomenda namin na huwag kang magbigay ng anumang personal na impormasyon na hindi partikular na hiniling.
Kapag nakikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email, inirerekomenda namin na ibigay mo lang ang personal na impormasyon na sa tingin mo ay kailangan namin para matugunan ang iyong alalahanin. Pero kung, hindi ka magbibigay sa amin ng sapat na impormasyon, maaaring hindi ka namin makontak o matulungan na lutasin ang iyong alalahanin.
Patakaran ng California State Lottery na ibahagi lang ang personal na impormasyon mo kung mahigpit na kinakailangan para makapagbigay ng mga serbisyo o tulong. Maaaring kabilang dito ang pagsiwalat ng personal na impormasyon mo sa mga affiliate ng Lottery at sa iba pang ahensiya ng gobyerno. Maaaring kailangan din namin na isiwalat ang personal na impormasyon na ibinibigay mo sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Bilang tugon sa kahilingan ng Public Records Act, ayon sa pinapayagan ng Information Practices Act.
- Sa ibang ahensiya ng gobyerno ayon sa iniaatas ng batas ng estado o pederal.
- Bilang tugon sa isang kautusan ng korte o administratibo, isang subpoena o search warrant.
Masusuri mo ang mga iniingatan naming record na naglalaman ng personal na impormasyon mo, ayon sa pinapahintulot ng Information Practices Act. Para sa mga katanungan tungkol sa abisong ito, sa aming Patakaran sa Privacyo sa access sa mga record mo, makipag-ugnayan sa Privacy Coordinator ng lottery sa privacy@calottery.com o sumulat sa: California State Lottery, Attn: Privacy Coordinator, 700 North 10th Street, Sacramento, CA 95811.