Paano Mag-apply

Hakbang 1: Maghanap para sa Mga Bakanteng Posisyon sa California Lottery

Hakbang 2: Kumuha ng Exam o Self-Assessment

Kapag nakahanap ka ng bakanteng posisyon na interesado ka, kailangan naming malaman pa ang tungkol sa iyo. Susuriin namin ang iyong edukasyon, karanasan, kakayahan, at kaalaman sa pamamagitan ng pagsusulit o pagtatasa sa sarili.  

  • Mula sa lista ng trabaho sa CalCareers, pumunta sa seksiyon na Mga Minimum na Rekisito para makita kung anong mga kwalipikasyon ang kailangan para sa klasipikasyon. Kung interesado at kwalipikado ka, kakailanganin mong kumuha ng pagsusulit o self-assessment. Tandaan: Kung bago ka sa serbisyo ng Estado ng California at hindi ka karapat-dapat sa pagkakalista, dapat kang kumuha ng pagsusulit para maging nararapat sa trabaho.
  • Para mahanap at kunin ang pagsusulit, bisitahin ang website ng CalCareers
  • Piliin ang opsiyon na “Exam/Assessment Search”.
  • I-type ang klasipikasyon ng trabaho sa Keyword search bar
  • I-click ang "Paghahanap"
  • I-click ang "Tingnan ang Pag-post ng Pagsusulit"
  • Suriin at sundin ang mga tagubilin sa bulletin ng pagsusulit para kumuha ng pagsusulit o self-assessment Kung pumasa ka, maitatatag mo ang pagkakarapat-dapat sa lista at maaaring mag-apply para sa trabaho

Hakbang 3: Mag-apply para sa Trabaho!

  • Maaari kang mag-apply para sa trabaho sa pamamagitan ng iyong CalCareers account na nagawa mo na mula sa pagkuha ng pagsusulit o self-assessment.
  • Mula sa pahina ng lista ng mga trabaho, i-click ang “Mag-apply Ngayon”
  • Sundin ang mga tagubilin para mag-apply

Mga Bagay na Tatandaan:

  • Kapag kumuha ka ng pagsusulit at makamit ang pagkakarapat-dapat sa lista, aabisuhan ka tungkol sa anumang bagong bakantng posisyon sa loob ng klasipikasyon ng trabahong iyon.
  • Maaari kang lumikha ng hanggang sampung naka-customized na template ng application, kaya siguraduhing iangkop ang iyong aplikasyon sa trabahong iyong ina-applyan.
  • Maaari kang mag-upload at mag-attach ng mga dokumento tulad ng resume, cover letter, transcript, statement of qualifications, mga liham ng rekomendasyon, atbp.
  • Kung ikaw ay napili para sa isang panayam, makikipag-ugnayan kami sa iyo.