Ito na ang Summer ng SuperLotto Plus® | Sumali sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw gamit ang mga kwalipikadong SuperLotto Plus Multiplier Scratchers® o mga ticket ng SuperLotto Plus ticket

Ang SuperLotto Plus® 2nd Chance Bonus Draw

Mas marami pang saya ngayong summer sa SuperLotto Plus® 2nd Chance Bonus Draw! May dalawang paraan para sumali, ang SuperLotto Plus® 2nd Chance Bonus Draw ang perpektong paraan para manalo ngayong summer. Magsumite ng mga kwalipikadong SuperLotto Plus Multiplier Scratchers® o SuperLotto Plus® ticket para sa pagkakataong manalo ng premyong nagkakahalaga ng $20,000!

Sumali ngayon hanggang July 19.


Mga Premyo:

Magkakaroon ang promo ng kabuuang limang (5) mananalo at kabuuang $100,000 na cash prize.

  • Limang (5) mananalo na tatanggap ng tig-$20,000

Panahon ng Pagsali:

6/22/2026 - 7/19/2026

Aling mga hindi nanalong Scratchers ticket o draw game ticket ang kwalipikado para sa promo na ito? 

SuperLotto Plus® Multiplier ($5) — Maglaro at makakuha ng hanggang 18 tsansang manalo kasama ang mga 2X, 5X, at 10X na multiplier, at top prize na $500,000!

SuperLotto Plus® ($1) — Nagsisimula sa $7 milyon ang bawat jackpot, at kung walang mananalo, lalaki pa ito. Sa 9 na winning ball combinations, habang mas maraming numero sa iyong ticket ang tumutugma sa mga numerong nabunot, mas malaki ang mapapanalunan mo.

Mga Opisyal na Panuntunan

Mga Opisyal na Panuntunan ng
California Lottery®
SuperLotto Plus® 2nd Chance Bonus Draw



Layunin
Nagsasagawa ang California Lottery ng SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw para sa mga nakarehistrong 2nd Chance player bilang insentibo sa kanila na bumili at maglaro ng SuperLotto Plus Multiplier Scratchers® (Game: #1733) at SuperLotto Plus Draw Game.

Panahon ng Promo

Magsisimula ang SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw sa June 22, 2026, at magtatapos sa July 19, 2026, sa ganap na 11:59 p.m. Pacific Time.

May karapatan ang California Lottery na wakasan o palawigin ang promo na ito anumang oras.

Mga Premyo
Magkakaroon ang promotion ng kabuuang limang (5) mananalo at kabuuang $100,000 na cash prizes.

  • Limang (5) mananalo na tatanggap ng tig-$20,000.

Posibilidad na manalo
Ang posibilidad na manalo ng premyo ay nag-iiba batay sa kabuuang bilang ng mga entry na matatanggap at sa bilang ng mga entry na isusumite ng bawat player.

Pagiging Kwalipikado at Paglahok
Dapat ay hindi bababa sa 18 taong gulang ang mga player. Dapat matugunan ng mga player ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado sa oras ng promotional draw. Para sumali sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw, dapat magrehistro ang mga player sa website ng California Lottery. Kapag nagrerehistro, dapat magbigay ang mga player ng valid na address sa California. Dapat isumite ang mga entry mula sa isang lokasyong nasa loob ng California upang maging kwalipikado para sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw. Dapat magbigay ang mga player ng totoo at napapanahong impormasyon.
Dapat ibigay ng bawat player ang kanyang tunay at buong legal na pangalan kapag nagrerehistro para sa 2nd Chance program. Ang player na hindi magbibigay ng kanyang buong legal na pangalan sa oras ng registration ay hindi magiging kwalipikadong tumanggap ng mga premyo mula sa California Lottery. Sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw, tanging ang taong nakapangalan bilang Winner sa website ng California Lottery sa oras na i-post ang pangalan ng Winner batay sa pangalang ibinigay ng player noong registration, ang maaaring mag-claim ng premyo mula sa California Lottery.
Ang anumang pagbabago sa pangalan, dahil man sa kasal o iba pang dahilan, ay dapat ma-update sa registration page ng California Lottery bago ang draw upang maging kwalipikado sa anumang premyo. Ang mga taong nagparehistro gamit ang gawa-gawang pangalan ay hindi magiging kwalipikadong manalo ng anumang premyo. Ang SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw ay hindi maaaring salihan ng ilang partikular na vendor o empleyado ng California Lottery, kanilang mga ahente, at ilang miyembro ng kanilang pamilya na naninirahan sa parehong sambahayan alinsunod sa mga regulasyon ng California Lottery.

Paano Sumali
Para sumali sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw, dapat mag-log in ang mga player sa kanilang verified California Lottery 2nd Chance account o gumawa ng verified account sa California Lottery upang magsumite ng 2nd Chance code. Ang mga SuperLotto Plus Draw Game ticket o mga kwalipikadong hindi nanalong SuperLotto Plus Multiplier Scratchers (#1733) ay maaaring isali sa promosyon sa pamamagitan ng manual submission sa 2nd Chanceo pag-scan sa barcode ng bawat kwalipikadong ticket gamit ang California Lottery Official Mobile App.. Makakatanggap ang mga player ng karaniwang bilang ng mga entry batay sa presyo ng ticket (halimbawa, ang $5 ticket ay katumbas ng limang (5) entry) para sa bawat kwalipikadong SuperLotto Plus® 2nd Chance code na isinumite..

Ang kabuuang bilang ng mga pagsusumite ng 2nd Chance code ng bawat participant ay hindi maaaring lumampas sa 500 bawat buwan ng kalendaryo. Ang pag-enter ng code ay itinuturing na isang pagsusumite; gayunman, ang mga pagsusumiteng nagbibigay ng maraming entry ay bibilangin bilang isang pagsusumite lamang, gaano man karami ang mga kaugnay na entry.

Mga Draw

Isang (1) draw ang isasagawa sa pagtatapos ng promotion period upang matukoy ang limang (5) mananalo.

Ang mga kwalipikadong SuperLotto Plus Draw Game 2nd Chance code o mga kwalipikadong 2nd Chance code mula sa hindi nanalong SuperLotto Plus Multiplier Scratchers® (#1733) ay dapat isumite sa loob ng itinakdang draw period upang maging kwalipikadong maisali sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw. Gaganapin ang draw sa loob ng labinlimang (15) araw matapos ang itinakdang draw period at bubunot din ng mga kahaliling mananalo sakaling madiskwalipika ang isang mananalo. Gaganapin ang mga draw alinsunod sa Mga Regulasyon at pamamaraan ng California Lottery. Ang lahat ng kwalipikadong SuperLotto Plus Draw Game code at mga kwalipikadong code mula sa hindi nanalong SuperLotto Plus Multiplier Scratchers® na isinumite sa draw ay awtomatiko ring isasali sa mga kaukulang regular na 2nd Chance Weekly Pool Draw.

Winner Notification and Claims

Ipo-post ang listahan ng mga nanalo sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw sa website ng California Lottery sa loob ng dalawampung (20) araw pagkatapos ng entry deadline. Random na pipili ang California Lottery ng mga alternate winner mula sa mga kwalipikadong entry sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw. Gamit ang contact information na ibinigay ng mga winner sa California Lottery, aabisuhan sila ng California Lottery sa pamamagitan ng email na mag-log in sa kani-kanilang account para sa “mahalagang impormasyon.” Pagka-log in sa kanilang California Lottery account, aabisuhan ang mga winner tungkol sa premyong napanalunan nila. Dapat magsumite ang mga winner ng 2nd Chance Claim Form alinsunod sa Mga Regulasyon at pamamaraan ng California Lottery. Kung hindi i-claim ng winner ang kanyang premyo sa loob ng 180 araw mula sa “Winners Posted By” date, mawawalan siya ng lahat ng karapatan sa premyo.

Mga Karagdagang Tuntunin

Responsable ang mga player sa pagsunod sa Mga Opisyal na Panuntunan, gayundin sa mga batas ng estado at pederal at sa mga regulasyon ng California Lottery. Dapat magbigay ng patunay ng edad, pagiging kwalipikado, at pagkakakilanlan kapag hiniling. Sumasang-ayon ang mga player na gamitin ng California Lottery ang kanilang pangalan, imahe, larawan, kuwento, at bayang pinagmulan para sa advertising at publicity nang walang kabayaran. Ang lahat ng buwis ay tanging responsibilidad ng winner, alinsunod sa mga naaangkop na federal tax withholding requirement. Sa paglahok sa programa at/o pagtanggap ng anumang premyo o promotional award, sumasang-ayon ang mga player na palayain at hindi panagutin ang California Lottery at ang mga commissioner, empleyado, ahente, at opisyal nito sa anumang paghahabol, kahilingan, hatol, gawad, at/o pananagutan ng anumang uri. May karapatan ang California Lottery na baguhin o wakasan ang programang ito anumang oras. Kung sakaling magkaroon ng salungatan, ang Mga Opisyal na Panuntunang ito ang mangingibabaw sa anumang naaangkop na pangkalahatang panuntunan o advertisement ng California Lottery.

Mga Madalas Itanong

California Lottery®
Superlotto Plus
® 2nd Chance Bonus Draw
Mga Madalas Itanong


Q:  Kailan magsisimula at matatapos ang SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw?

A:  Magsisimula ang SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw sa June 22, 2026 at tatakbo ito hanggang July 19, 2026 nang 11:59 pm Pacific Time.

Q:  Ano ang mga premyo?
A:  Ang promo ay may kabuuang $100,000 na premyo, na matatanggap ng limang (5) mananalo sa halagang tig-$20,000 bawat isa.

Q:   Aling mga ticket ang maaaring isali sa Promo?
A: Maaaring isali sa promotion ang anumang kwalipikadong SuperLotto Plus Draw Game ticket o kwalipikadong hindi nanalong SuperLotto Plus Multiplier Scratchers® (Game: #1733) na mga ticket sa pamamagitan ng manu-manong pagsusumite sa 2nd Chance o pag-scan sa barcode ng bawat kwalipikadong ticket gamit ang California Lottery Official Mobile App..

Q:   Ilang entry ang maaaring matanggap ng mga player?
A:Makakatanggap ang mga player ng mga entry batay sa presyo ng ticket—halimbawa, ang $5 na ticket ay katumbas ng limang (5) entry—para sa bawat kwalipikadong SuperLotto Plus Draw Game code at bawat kwalipikadong SuperLotto Plus Multiplier Scratchers® 2nd Chance code mula sa hindi nanalong ticket na isinumite.

Q:  Ilang 2nd Chance code mula sa mga hindi nanalong ticket ang maaaring isumite ng mga player?
A:  Ang bawat 2nd Chance account ay limitado sa kabuuang hindi hihigit sa 500 pagsusumite ng code bawat buwan ng kalendaryo. Ang pag-enter ng code ay itinuturing na isang pagsusumite; bawat pagsusumiteng nagbibigay ng maraming entry ay bibilangin pa rin bilang isang pagsusumite lamang, gaano man karami ang mga entry na nauugnay rito.

Q:  Bukod sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw, awtomatiko rin bang 
isinasali ang mga player sa regular na Scratchers o SuperLotto Plus 2nd Chance Weekly Pool Draw?
A:  
Oo. Pagkatapos magsumite ng kwalipikadong ticket, awtomatikong isasali ang mga player sa kaukulang Scratchers o SuperLotto Plus 2nd Chance Weekly Pool Draw. Upang maging kwalipikado sa draw para sa kasalukuyang linggo, dapat maisumite online ng mga player ang kanilang mga kwalipikadong 2nd Chance code bago sumapit ang Sabado, 11:59 pm. Kung hindi, ang mga ito ay isasama sa draw para sa susunod na linggo. Ang bawat pagsumite ay para lamang sa isang lingguhang draw.

Q:  Saan maaring tingnan ng mga player ang bilang ng mga entry na naisumite para sa Scratchers 2nd 
Chance Weekly Draw, sa SuperLotto Plus 2nd Chance Weekly Draw, at/o sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw?
A:   
Kapag naka-log in na ang mga player sa kanilang My Account, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
1. I-click ang link na “My Submissions".
2. I-verify na naisumite ang 2nd Chance code.
3. I-click ang 2nd Chance code para makita ang mga detalye kung ilang entry ang isinumite para sa 
Scratchers 2nd Chance Weekly Draw, SuperLotto Plus 2nd Chance Weekly Draw, 
at/o SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw.

 

Q:   Kailan gaganapin ang draw para sa mga premyo?
A:   
Gaganapin ang draw sa loob ng labinlimang (15) araw pagkatapos ng entry deadline, alinsunod sa Mga Regulasyon at pamamaraan ng California Lottery.

Q:   Paano malalaman ng mga player kung nanalo sila?
A:   
Ang listahan ng mga nanalo sa SuperLotto Plus 2nd Chance Bonus Draw ay ipo-post sa website ng California Lottery sa loob ng dalawampung (20) araw pagkatapos ng entry deadline. Gamit ang contact information na ibinigay ng mga winner sa California Lottery, magpapadala ang California Lottery sa mga winner, sa pamamagitan ng email, ng courtesy notification tungkol sa kanilang 2nd Chance submission, na nagsasaad na dapat silang mag-log in sa kani-kanilang account sa lalong madaling panahon para sa karagdagang detalye. Pagka-log in, aabisuhan ang mga winner tungkol sa premyong napanalunan lila.

Q:   Paano i-claim ang mga premyo?
A:   
Sundin ang mga hakbang sa 2nd Chance Claim Processupang kumpletuhin at isumite ang 2nd Chance Claim Form.

Q:   Ano ang mangyayari kung hindi ma-claim ang mga premyo sa loob ng 180 araw mula sa  
‘Winners Posted By’ date?
A:   
Kung hindi ma-claim ng winner ang kanyang premyo sa loob ng 180 araw mula sa ‘Winners Posted By’ date,
mawawala ang lahat ng kanyang karapatan sa premyo.

Q:   Paano kung may iba pang tanong ang mga player?
A:   
Mag-email sa customer service ng Lottery sa customerservice@calottery.com. Tutugon ang isang kinatawan sa loob ng tatlong (3) araw ng trabaho.