The MONOPOLY 2nd Chance Bonus Draw

Last chance to enter your non-winning MONOPOLY Scratchers® into the MONOPOLY 2nd Chance Bonus Draw! Submit your tickets by April 30 for your chance to collect the $30,000 grand prize!


Prizing:

The promotion will have a total of five (5) winners and prizing totaling $50,000.

  • One (1) grand prize winner of $30,000
  • Four (4) second-tier winners of $5,000 each

Entry Periods:

  • 3/24/2025 - 4/30/2025

What non-winning Scratchers tickets are eligible for this promotion? 

MONOPOLY ($2) — Enjoy nostalgic fun as you play for a top prize of $30,000!

MONOPOLY ($5) — Discover up to 19 chances to win, a $200 instant win, 5X & 10X multipliers, and a top prize of $100,000!

MONOPOLY ($20) — Advance to fun with up to 32 chances to win, $200 & $500 instant wins, up to 50X multipliers, and a top prize of $5,000,000!

Mga Opisyal na Panuntunan

MONOPOLY Scratchers® 2nd Chance na Bonus Draw 
Mula sa California Lottery®
Mga Opisyal na Panuntunan

 

Layunin
Nagsasagawa ang California Lottery ng isang MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw para sa mga nakarehistrong player ng 2nd Chance bilang insentibo para sa mga player na bumili ng MONOPOLY Scratchers (Games: #1665, #1667, #1669).

Panahon ng Promo
Magsisimula ang MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw sa March 24, 2025 at magwawakas sa April 30, 2025 sa ganap na 11:59 pm Pacific Time.  

Pinanghahawakan ng California Lottery ang karapatan na i-terminate o i-extend ang promo na ito anumang oras.

Premyo
Magkakaroon ang promo ng kabuuang limang (5) mananalo at mga premyong may kabuuang $50,000.

Isang (1) mananalo ng grand prize na $30,000
Apat (4) na mananalo ng pangalawang-antas na $5,000 bawat isa

Posibilidad na manalo
Nagiging paiba-iba ang posibilidad na manalo ng premyo batay sa kabuuang bilang ng mga entry na natanggap at kabuuang bilang ng mga entry na isinusumite ng bawat player.

Pagkanararapat at Paglahok 
Dapat na 18 taon gulang man lang ang mga player.  Dapat na masapatan ng mga player ang mga rekisito sa pagkanararapat sa oras ng promo na draw. Para sumali sa MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw, dapat na magrehistro ang mga player sa website ng California Lottery. Kapag nagrerehistro, dapat na magbigay ng balidong address sa California ang mga player. Dapat na ipasok ang mga isinumite sa isang lokasyon na nasa loob ng California para maging nararapat para sa MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw. Dapat na magbigay ang mga player ng tunay at pangkasalukuyang impormasyon. Dapat na ibigay ng mga player ang kanilang tunay, at buong legal na pangalan kapag nagrerehistro para sa programang 2nd Chance. Magiging hindi nararapat ang player na mabibigong ibigayang buong legal na pangalan sa panahon ng pagrehistro hindi magiging nararapat na tumanggap ng mga premyo mula sa California Lottery. Sa MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw, tanging ang mga taong natukoy sa pamamagitan ng pangalan bilang mga Nanalo sa website ng California Lottery sa panahon na nai-post ang pangalan ng mga Nanalo, na ibinigayng player sa panahon ng pagrehistro, ang makaka-claim ng premyo mula sa California Lottery. Anumang pagbabago sa pangalan, maging dahil sa pagpapakasal o anupaman, ay dapat na sasalaminin ng registration page ng California Lottery bago ang draw para maging nararapat para sa anumang premyo. Ang mga taong nagrehistro ng mga kathang-isip na pangalan ay hindi magigging nararapat na manalo ng anumang premyo. Hindi bukas ang MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw sa ilang vendor o empleyado ng California Lottery, sa kani-kanilang mga ahente, at ilang miyembro ng pamilya na naninirahan sa parehong sambahayan alinsunod sa Mga Regulasyon ng California Lottery.

Paano Sumali
Para sumali sa MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw, dapat na mag-log ang mga player sa kani-kanilang mga na-verify na California Lottery 2nd Chance account o lumikha ng na-verify na account sa California Lottery para makapagsumite ng 2nd Chance code.  Maisasali ang anumang nararapat, at hindi nanalong MONOPOLY Scratchers (#1665, #1667, #1669) ticket sa promo sa pamamagitan ng mano-manong pagsumite sa 2nd Chance o sa pamaamgitan ng pag-scan sa bawat nararapat, at hindi nanalong barcode gamit ang California Lottery Official Mobile App. Matatanggap ng mga player ang karaniwang bilang ng mga entry batay sa presyo nito (hal., ang isang $2 na ticket ay makatatanggap ng dalawang (2) entry) para sa bawat nararapat, at hindi nanalong MONOPOLY Scratchers 2nd Chance code na isinumite.

Magiging limitado ang bawat 2nd Chance account sa hindi hihigit sa pinagsama-samang 500 na pagsumite ng code kada buwan ng kalendaryo sa kada kalahok.  Angpagpasok ng isang code ay itinuturing na isang pagsumite; ang mga pagsumite na nag-aalok ng maramihang entry ay ibinibilang na isang pagsumite lang kahit ilan pa ang kaugnay na entry.

Mga draw
Magkakaroon ng isang draw, limang mananalo, ang kabuuan $50,000 na premyong cash: 

Isang (1) grand prize winner na $30,000
Apat (4) na nanalo sa ikalawang antas na $5,000 bawat isa

Ang mga nararapat, at hindi nanalong MONOPOLY Scratchers 2nd Chance code ay dapat isumite sa panahon ng promo para maging kwalipikadong sumali sa MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw. Magaganap ang draw sa loob ng labin-limang (15) araw ng kalendaryo pagkaraang magwakas ang panahon ng promo na may mga alternatibong draw sakaling madiskwalipika ang nanalo.  Magaganap ang mga draw alinsunod sa mga regulasyon at proseso ng California Lottery. Lahat ng nararapat, at hindi nanalong MONOPOLY Scratchers 2nd Chance code na isinumite sa draw ay awtomatiko ring ipapasok sa regular na Scratchers 2nd Chance Weekly na Pool Draws na nalalapat.

Pag-abiso sa Nanalo at Mga Pag-claim 
Ipo-post ang mga nanalo sa MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw sa website ng California Lottery sa loob ng dalawampung (20) araw ng kalendaryo pagkalipas ng deadline ng entry.  Sapalarang pipili ang California Lottery ng mga alternatibong mananalo mula sa mga nararapat na MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw. Gamit ang impormasyon sa pagkontak na ibinigay ng mga nanalo sa California Lottery, aabisuhan ng California Lottery ang mga nanalo sa pamamagitan ng e-mail na mag-log in sa kani-kanilang mga account para sa “importanteng impormasyon.”  Sa kanilang pag-log in sa kanilang mga California Lottery account, aabisuhan ang mga nanalo tungkol sa premyong napanalunan. Dapat na magsumite ang mga nanalo ng isang 2nd Chance Form ng Pag-angkin alinsunod sa Mga Regulasyon at proseso ng California Lottery.  Sakaling hindi i-claim ng nanalo ang kaniyang premyo sa loob ng 180 araw mula sa petsa ng ‘Winners Posted By’ na nakalista sa website ng California Lottery para sa nalalapat na draw, bibitiwan ng nanalo ang lahat na karapatan sa premyo.

Mga Karagdagang Tuntunin
Responsibilidad ng mga players ang pagsunod sa Mga Opisyal na Panuntunan bilang karagdagan sa mga regulasyon ng estado at pamahalang pederal at ng California Lottery. Dapat na magbigay ng katibayan ng edad, pagkanararapat, at pagkakakilanlan kapag hiningi ang mga ito. Positibong sumasang-ayon ang mga player sa paggamit ng California Lottery sa kanilang pangalan, wangis, litrato, kuwento, at bayan para sa mga layuning pang-advertising at publisidad, nang walang kabayaran. Lahat ng buwis ay natatanging pananagutan ng nanalo sa sasailalim sa mga umiiral na rekisitong Pederal sa pag-withhold. Sa paglahok sa programa, at/o pagtanggap ng anumang premyo o gawad ng promo, sumasang-ayon ang mga player sa at gagawing ipawalang-sala ang California Lottery, Hasbro, Inc. at mga commissioner nito, mga empleyado, ahente, at officer mula sa anumang paghahabol, demanda, hatol, gawad, at/o anumang pananagutan sa anumang anyo. Pinanghahawakan ng California Lottery ang karapatan na baguhin i i-terminate ang programang ito anumang oras.  Sakaling may salungatan, mangingibabaw ang mga Opisyal na Panuntunan na ito sa anumang umiiral na pangkalahatang panuntunan o advertisement ng California Lottery.

Hindi isang sponsor ng promo na ito ang Hasbro, Inc.

Mga Madalas Itanong

MONOPOLY Scratchers® 2nd Chance na Bonus Draw
Mula sa California Lottery®
Mga Madalas Itanong


Q: Kailang magsisimula at magwawakas ang MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw?
A: Ang MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw ay magsisimula sa March 24, 2025 at tatakbo hanggang April 30, 2025 sa 11:59 pm Pacific Time.  

Q: Ano ang mga premyo?
A: Magkakaroon ang promo ng kabuuang bilang na limang (5) mananalo at kabuuang premyo na $50,000.

Isang (1) mananalo ng grand prize na $30,000
Apat (4) na mananalo ng $5,000 bawat isa

Q: Aling mga Scratchers ticket ang maisasali sa Promo?
A: Maisasali sa promo ang anumang nararapat, at hindi nanalong MONOPOLY Scratchers ticket sa pamamagitan ng mano-manong pagsumite sa 2nd Chance o sa pamamagitan ng pag-scan sa bawat nararapat, at hindi nanalong barcode gamit ang California Lottery Official Mobile App.  Ang mga MONOPOLY Scratchers ticket ay:
$2 – MONOPOLY (#1665)
$5 – MONOPOLY (#1667)
$20 – MONOPOLY (#1669)

Q: Ilang entry ang matatanggap ng mga player?
A: Tatanggap ang mga player ng mga entry na nakabatay sa presyo ng ticket (hal., ang isang $2 ticket ay tatanggap ng dalawang (2) entry) para sa bawat nararapat, at hindi nanalong MONOPOLY Scratchers 2nd Chance code na isinumite.  

Q: Gaano karaming pagsumite ang maipapasok ng mga player ng kanilang mga 2nd Chance code?
A: Ang bawat 2nd Chance account ay limitado sa hindi hihigit sa isang pinagsamang 500 na pagsumite ng code bawat buwan sa kalendaryo. Ang pagpasok ng isang code ay itinuturing na isang pagsumite; ang mga pagsumite na nag-aalok ng maramihang mga entry ay binibilang bilang isang pagsumite lamang anuman ang bilang ng mga nauugnay na mga entry.

Q: Bilang karagdagan sa MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw, awtomatikong bang isinasali ang mga player sa regular na Scratchers 2nd Chance na Weekly Pool Draw?
A: Oo.  Pagkaraang magsumite ng nararapat na ticket, awtomatikong isinasali ang mga player sa regular na Scratchers 2nd Chance na Weekly Pool Draw. Para maging nararapat para sa draw ng kasalukuyang linggo, dapat isumite ng mga player ang kanilang mga nararapat, at hindi nanalong 2nd Chance code online bago mag-Sabado sa ganap na 11:59 pm kung hindi ay sa susunod na draw ng paparating na linggo ila isasali. Ang bawat pagsumite ay magagamit para sa isang lingguhang draw.  

Q: Saan matitingnan ng mga player kung gaano karami nang entry ang naisumite sa Scratchers 2nd Chance na Weekly Draw at/o MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw?
A: Sa sandaling mag-log in ang mga player sa kanilang My Account, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
1.  Mag-click sa link na "Mga Isinumite Ko".
2.  I-verify ang pagsumite ng 2nd Chance code.
3.  Mag-click sa 2nd Chance code para tingnan ang mga detalye ng kung gaano karaming entry ang naisumite na para sa Scratchers 2nd Chance na Weekly Draw at/o MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw.

Q: Kailan ang mga draw para sa mga premyo?
A: Magaganap ang draw sa loob ng labin-limang (15) araw ng kalendaryo pagkaraan ng deadline ng entry ng promo at magaganap alinsunod sa Mga Regulasyon at proseso ng California Lottery. 

Q: Paano malalaman ng mga player na nanalo sila?
A: Ipo-post ang mga nanalo sa MONOPOLY Scratchers 2nd Chance na Bonus Draw sa website ng California Lottery sa loob ng dalawampung (20) araw ng kalendaryo pagkalipas ng deadline.  Gamit ang impormasyon sa pagkontak na ibinigay ng mga nanalo sa California Lottery, magpapadala ang California Lottery ng otification email sa mga nanalo tungkol sa kanilang isinumite sa 2nd Chance, na magtatgubilin sa kanila na mag-log in sa kanilang account sa lalong madaling manahon para sa karagdagang detalye. Sa kanilang pag-login, aabisuhan ang mga nanalo tungkol sa premyong napanalunan.  

Q: Paano kini-claim ang mga premyo?
A: Sundin ang mga hakbang na nasa 2nd Chance Claim Process para punan ang form.  
 
Q: Ano ang mangyayari kung ang mga premyo ay hindi na-claim sa loob ng 180 araw mula sa petsa nang ‘Winners Posted By’?
A: Kung mabigo ang nanalo na i-claim ang kaniyang premyo sa loob ng 180 araw mula sa petsa na ‘Winners Posted By’ na inilista sa website ng California Lottery para sa nalalapat na draw, tatalikdan ng nanalo ang lahat na karapatan sa premyo.

Q: Paano kung may iba pang tanong ang mga player?
A: Mag-email sa customer service ng Lottery sa customerservice@calottery.com.  Isang kinatawan ang tutugon sa loob ng tatlong (3) araw ng negosyo.