
MAKE-CLAIM ANG $1,000 PABABA SA MGA DISTRICT OFFICE.
Ang mga premyong $1,000 pababa ay kwalipikadong mabayaran sa pamamagitan ng tseke sa aming mga District Office gamit ang valid at hindi expired na photo ID na bigay ng gobyerno. Pagkatapos ma-verify ang masuwerteng ticket mo at maaprubahan ang Claim Form mo, may pagkakataong makuha kaagad ang tseke mo.*
HAKBANG 1
Ang mga premyong $1 hanggang $599 ay dapat i-claim sa mga kalahok na retailer ng California Lottery. Kung ang premyo mo ay $600 hanggang $1,000, magpatuloy sa Hakbang 2 sa ibaba.
HAKBANG 2
I-download ang tamang claim form mula sa page na Mag-claim ng Premyo.
- Dapat sagutan ng mga indibidwal na claimant ang Claim Form CSL1242 (PDF).
- Dapat sagutan ng mga solong player na magke-claim para sa isang grupo ang Claim Form CSL1242 (PDF) at IRS Form 5754 (PDF).
- Panoorin itong maikling video para masigurado na masasagutan mo nang tama ang claim form mo.
HAKBANG 3
Kapag nasagutan na ang form, at napirmahan na ang likod ng ticket, dalhin ang claim mo sa alinman sa aming siyam na District Office para sa pagbabayad mula 8 a.m. hanggang 4:30 p.m.
*Hindi garantisadong makukuha ang tseke sa parehong araw. Dapat walang mali ang lahat ng claim. Ang ilang claim, kasama ang pero hindi limitado sa mga premyo sa 2nd Chance, mga pampromong award, at mga premyong napanalunan sa mga advance play, ay posibleng hindi kwalipikado para sa pagbabayad sa parehong araw at mangangailangan ng karagdagang pagpoproseso sa Lottery Headquarters.